Masayang inanunsyo ni Jinkee Pacquiao na nanganak na ang girlfriend ng kaniyang panganay na anak na si Jimuel Pacquiao.
Sa kaniyang Facebook post nitong Huwebes, Nobyembre 20, napahingi na lamang ng pasasalamat sa Diyos si Jinkee matapos manganak ang kaniyang manugang.
“Lord, thank you!” saad ni Jinkee sa caption ng kaniyang post.
Kalakip ng naturang post ang ilang litrato niya kasama si Jimuel, ang girlfriend nito, at ang pamilya ng babae.
Photo courtesy: Jinkee Pacquiao/FB
Sa hiwalay na post, ibinahagi niya rin ang ilang mga sandali isang oras bago iluwal ang kaniyang apo kay Jimuel.
“In an hour. Can't wait! God is good!” aniya sa post.
Photo courtesy: Jinkee Pacquiao/FB
Matatandaang kamakailan lamang, ibinahagi rin ni Jinkee sa isang social media post na siya ay excited nang maging lola.
“Time flies so fast na ikaw ang karga karga ko noon sa susunod na buwan ang apo ko naman ang kakargahin ko,” saad ni Jinkee.
MAKI-BALITA: ‘Time flies so fast!’ Jinkee Pacquiao, excited na maging lola!-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA