December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

K-Pop boy group ENHYPEN, magdo-donate ng ₱4M para sa mga nasalanta nina Tino at Uwan

K-Pop boy group ENHYPEN, magdo-donate ng ₱4M para sa mga nasalanta nina Tino at Uwan
Photo courtesy: Enhypen (FB), PCO

Opisyal na inanunsyo ng K-Pop boy group ENHYPEN at kanilang entertainment agency na Belift Lab nitong Huwebes, Nobyembre 20, ang donasyon nilang ₩100 milyon o tinatayang ₱ 4 milyon para sa mga nasalanta ng mga bagyong Tino at Uwan. 

“We became aware of the recent severe flooding affecting many communities across the Philippines, a country that has long been close to our hearts. We wanted to offer our support, even in a small way, and sincerely hope the contributions will be used to help those in need and assist in the ongoing recovery efforts,” saad ng Belift Lab sa kanilang pahayag. 

Ayon pa sa kanila, espesyal ang alaala ng Pilipinas para sa kanila dahil dito dinaos ang una nilang stadium concert sa Southeast Asia, at sa pamamagitan ng donasyon na ito, hinihiling nila ang maayos na pagbangon ng mga probinsiyang napinsala. 

“The Philippines is where ENHYPEN held their first stadium concert in Southeast Asia, and it remains a place of deep significance to both the group and our team. We hope this donation will provide meaningful help to those affected by the recent floods,” dagdag pa ng kompanya. 

Probinsya

Higit ₱10M halaga ng marijuana, nasabat sa Ilocos Sur

Ayon sa ulat ng Korea Times, ang nasabing donasyon ay idadaan sa non-government organization (NGO) na “Hope Bridge Korea Disaster Relief Association sa pakikipagtulungan sa Philippine Disaster Resilience Foundation. 

Ang ENHYPEN ay isang South Korean boy band na nag-debut noong Nobyembre 2020. 

Nakilala sila bilang “4th Generation Hot Icons” at “Global K-pop Rising Stars” sa international scene dahil sa dynamic at highly synchronized nilang mga pagtatanghal sa entablado. 

Ilan sa mga kanta nila ay ang “Given-Taken,” “Mistletoe,” “No Doubt,” at “Bite Me.” 

Sa kaugnay na ulat, ibinaba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang isang taon na “state of national calamity” sa bansa dahil sa bagyong Tino para matiyak ang mabilisang pagtugon ng lahat ng ahensya at sangay ng pamahalaan ng mga tao. 

MAKI-BALITA: PBBM, kinasa 1 taon 'state of national calamity' dahil sa bagyong Tino

KAUGNAY NA BALITA:  PBBM, nagbaba na ng 'National State of Calamity' para sa mabilis na access sa emergency fund

Sean Antonio/BALITA