December 15, 2025

Home BALITA Politics

BBM supporters, mga DDS, 'di welcome sa Luneta rally sa Nov. 30

BBM supporters, mga DDS, 'di welcome sa Luneta rally sa Nov. 30

Tahasang iginiit ni Bagong Alyansang Makabayan Chairperson Teddy Casiño na hindi "welcome" ang mga tagasuporta ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., at mga nagnanais umanong gawing Pangulo si Vice President Sara Duterte.

Sa press briefing noong Miyerkules, Nobyembre 19, 2025, nilinaw ni Casiño na bagama't lahat daw ay maaaring makiisa sa malawakang rally sa Luneta sa Nobyembre 30, tila may exception naman sa hanay ng mga BBM supporters at mga Duterte Diehard Supporters (DDS).

"Welcome po ang lahat ng galit sa korapsyon at naghahanap ng pananagutan mula sa lahat ng sangkot, mula sa ibaba hanggang sa tuktok," ani Casiño.

Giit pa niya, "Ang hindi lang po pwede sa Luneta ay yung nagdedepensa kay BBM at nais gawing presidente si Sara. Pero lahat ng Pilipino, welcome, magkita-kita po tayo sa Novembre 30."

Politics

'Grief and mourning are not the same!' Anak ni Enrile, may napagnilayan sa pagpanaw ng ama

Maatandaang pormal na inihayag ng Kilusang Kontra Kurakot (KBKK) ang pagratsada ng "Baha sa Luneta 2.0" sa darating na Nobyembre 30 kung saan inaasahang daan-daang libong katao ang makikiisa rito.

“Kung hindi sa sunod-sunod na pagkilos ng taumbayan - mula sa Baha sa Luneta, mga Black Friday protests, student walkout, noise barrages, pati chanting sa UAAP games at iba pang pagkilos - hindi kikilos ang Malacañang. Ngayon, napilitan itong magpakita ng ‘aksiyon’ sa gitna ng nag-uumapaw na galit ng publiko sa bilyon-bilyong pisong ninakaw sa kaban ng bayan,” anang KBKK.

KAUGNAY NA BALITA: 'Baha sa Luneta 2.0,' kasado na sa Nobyembre 30

Nakatakda rin itong sabayan ng Trillion Peso March na gaganapin naman sa EDSA People Power Monument katulad ng nangyaring malawakang protesta noong Setyembre 21.