December 12, 2025

Home BALITA

VP Sara, ibinida 1M punong itinanim ng OVP sa loob ng 3 taon!

VP Sara, ibinida 1M punong itinanim ng OVP sa loob ng 3 taon!
Photo Courtesy: Sara Duterte, OVP (FB)

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte na umabot na sa isang milyong puno ang naitatanim ng kaniyang opisina sa buong Pilipinas sa loob lang ng tatlong taon

Sinabi ito ng bise-presidente sa gitna ng pagdiriwang para sa Global Warming and Climate Change Consciousness Month.  

Sa latest Facebook post ni VP Sara nitong Miyerkules, Nobyembre 19, binanggit niya na bahagi ng kanilang pangako ang pagtatanim ng puno para palakasin ang depensa ng bansa laban sa epekto ng climate change.

“This was our commitment in the advocacy to strengthen our defenses against the impact of climate change,” aniya.

'Dedma kung dating hepe!' DILG, tiwalang kayang arestuhin ng PNP si Sen. Bato

Kaya naman kasunod nito ay nanawagan si VP Sara sa mga lokal na pamahalaan na gawing prayoridad ang climate preparation at adaptation sa development planning.

“This should include the preservation and rehabilitation of remaining forests, mangroves, rivers, and seas. 

Investment in early warning systems is necessary as part of the vision to develop resilient communities,” anang bise-presidente.

Dagdag pa niya, “I encourage Filipino families to teach our children that caring for nature means caring for each other—reduce waste, avoid single-use plastics, and embrace sustainable practices.”

Matatandaang Mayo 2023 nang pangunahan ni VP Sara ang “PagbaBAGo Campaign: A Million Learners and Trees” na naglalayong pagkalooban ang isang milyong kabataan ng mga kagamitan sa pag-aaral at dental kits.

Maki-Balita: OVP, umapela ng suporta at tulong sa pagtatanim ng milyong puno