Sinertipikahan na ng Quezon City Police District Forensic Unit ang isinagawang autopsy examination sa pumanaw na VMX actress na si Gina Lima.
Batay sa resulta ng autopsy noong Martes, Nobyembre 18, hindi namatay si Gina sa mga pasang nakita sa hita nito.
“Autopsy findings: Presence of non-fatal external injuries; Presence of heart congestion, congested and edematous lungs,” saad sa ulat.
Sa kasalukuyan, hinihintay pa ang resulta ng toxicology at histopathology test para tukuyin ang eksaktong sanhi ng pagpanaw ng aktres.
Samantala, ilang araw ang nakalipas, natagpuang wala nang buhay ang dating nobyo ni Gina na si Ivan Cesar Ronquillo sa parehong condominium unit sa Quezon City kung saan binawian ng buhay ang babae.
Maki-Balita: Ex-BF ng pumanaw na VMX actress na nagdala sa kaniya sa ospital, natagpuang patay!
Nakapag-post pa si Ivan ng mensahe kay Gina sa kaniyang Facebook post bago siya tuluyang pumanaw. Aniya, "hayaan mo susunod ako sayo."
Maki-Balita: 'Hayaan mo susunod ako sayo!' Ex-BF ng pumanaw na VMX actress, nakapag-post pa bago pagkamatay