Pinupuntirya ng netizens ang social media personality na si Valentine Rosales matapos pumanaw ang dating jowa ni VMX actress Gina Lima na si Ivan Cesar Ronquillo.
Kabilang ngayon si Valentine sa listahan ng trending topics sa social media platform na X (dating Twitter).
Matatandaang ayon sa ulat ng TV Patrol noong Nobyembre 18, napansin umano ni Ivan na tila hindi na humihinga si Gina noong magkasama sila sa isang condominum unit sa Quezon City noong Nobyembre 16.
Kaya dinala niya ang dating nobya sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival pagdating doon.
Dahil dito, lumutang ang mga espekulasyon na si Ivan ang nasa likod ng nasabing insidente. Isa sa mga nagkomento rito ay si Valentine.
“Hoy!!!! Ivan Cezar Ronquillo kahit mag Deativate ka pa ng Facebook mo! Hindi ako papayag na walang hustisya sa Pagkamatay niya Gina Lima! Hayop ka mas matangkad kapa sakin tapos yung bubogbogin mo Babae na wala pa sa kalahati ng laki mo?” saad ni Valentine sa kaniyang Facebook post, as is published.
Ngunit batay sa autopsy report ng Quezon City Police Department (QCPD) Forensic Unit, hindi namatay si Gina sa mga pasang nakita sa hita nito.
“Autopsy findings: Presence of non-fatal external injuries; Presence of heart congestion, congested and edematous lungs,” sabi sa ulat.
Maki-Balita: VMX actress Gina Lima, ‘di namatay sa bugbog—QCPD
Nitong Miyerkules, Nobyembre 19, napabalita naman ang tungkol sa pagkamatay ni Ivan, na batay sa mga lumalabas na espekulasyon, ay nagkitil ng sariling buhay dahil umano sa nangyari kay Gina.
Batay naman sa autopsy report na inilabas ng QCPD tungkol sa pagkamatay ng aktres, napagbuntunan ng mga netizen si Valentine dahil daw sa umano’y “fake news” sa post niya laban kay Ivan.
Maki-Balita: Ex-BF ng pumanaw na VMX actress na nagdala sa kaniya sa ospital, natagpuang patay!
Batay naman sa huling post ni Ivan, lalong lumutang ang mga espekulasyon tungkol sa ginawa ni Ivan sa kaniyang sarili.Nakapag-post pa si Ivan ng mensahe kay Gina sa kaniyang Facebook post bago siya tuluyang mamaalam. Aniya, "hayaan mo susunod ako sayo."
Maki-Balita: 'Hayaan mo susunod ako sayo!' Ex-BF ng pumanaw na VMX actress, nakapag-post pa bago pagkamatay
Bagama’t humingi na si Valentine ng pasensya at nagpaabot ng pakikiramay sa naiwang pamilya ni Ivan, iginiit niyang isa lang din siyang biktima ng maling impormasyon.
Napatanong din siya kung bakit siya ang kailangang sisihin sa umano’y ginawa ni Ivan sa kaniyang sarili.
Aniya sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Nobyembre 19, as is published, “[Goodmorning, kakagising ko lang and yes, I heard the tragic news, I feel sorry and my deepest condolences go out to both the family of the bereaved to my Bebe Ivan and baby Gina. Unang una sa lahat bat ako ang sinisisi ninyo sa pag Su*c*de niya? eh tulad niyo! biktima din ako ng mis-Information dahil kay Kevin Tan ko lang din nalaman na kako binugbog daw ni Ivan si Gina, Which as a friend ang initial reaction ko is galit at poot kaya nag posts ako regarding the information I received.”
“Ngayon kayong mga nag share at nakichismis kaya nag Viral yun ay ang may kasalanan dahil di naman yun kakalat at magiging ingay kung wala din naman naniwala at hindi din niyo shinare ang post kong yun. Tulad niyo ay isa rin akong biktima! Sa tingin niyo kanino ko nalaman yung mga details tulad ng cause of death? oras? at hospital? edi sa mutual friends din namin. Which is hindi ko na idadamay dahil hindi ako tulad niyo na nag hahanap ng sisisihin. tignan niyo nga! humingi ang ABS CBN at GMA news sakin ng mga information.”
“But Since wala pang official reports and autopsy findings hindi ako nag bigay ng statement ko kasi nga hindi naman sakin nangaling ang news na yan at pinaka huli sa lahat Bakit hindi na kita mahanap dito sa FB Kevin Tan?”
“Just A Reminder for everyone: Please be kind, you don’t know how much your words and actions can affect someone, emotionally, mentally and physically. Stop negativity.”
Samantala, narito naman ang ilang hanash ng netizens:
"gusto ko na makulong ang mga sangkot sa flood control corruption pero kung mauunang makulong si valentine rosales okay lang din naman sakin"
"ang sad ng nangyari kina Gina Lima and Ivan Cezar Ronquillo, i hope they find their peace na. Pero ang takeaway ko sa issue na to ay si Valentine Rosales ay isang menace sa society at kailangan maging accountable sa mga pinopost nya!!!"
"Shutangina ka Valentine Rosales bat ka pa kasi nagkaroon ng platform, napaka problematic mo and now you caused a death resulting from the false information you have spread. Tapos gagamitin mo yang mental health card mo, ulol, deserve mo yan dapat sayo talaga makulong."
"People like Valentine Rosales should go to jail."
"Valentine Rosales, may special reservation ka na sa impyerno."
"TANGINA MO, VALENTINE ROSALES."
"valentine rosales once again being involved in someone's death chi we need to lock his ugly ass up atp"
"ang sad ng nangyari kina Gina Lima and Ivan Cezar Ronquillo, i hope they find their peace na. Pero ang takeaway ko sa issue na to ay si Valentine Rosales ay isang cloutchaser sa society at kailangan nya maging accountable sa mga pinopost nya"
"Bukod sa bashing, si Valentine Rosales ang isa sa nagtrigger para gawin nya yan. Si Valentine lagi na lang involve kapag may namamatay."
"tangina ni Valentine Rosales dahil sa pagpapakalat ng fake news may buhay na nawala dapat talaga dyan sa baklang tilapia na ‘yan kinukulong eh"
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas ang kapulisan na autopsy report hinggil sa pagkamatay ni Ivan.