Inamin ng anak ng “Pambansang kamao” Manny Pacquiao na si Eman Bacosa na natitipuhan niya ang Kapuso Star at aktres na si Jillian Ward.
Ayon sa naging Fast Talk ni Eman kay Asia's King of Talk Boy Abunda noong Martes, Nobyembre 18, walang pagdadalawang-isip na binanggit ng batang boksingero na si Jillian ang Pinay aktres na natitipuhan niya.
“Crush mong artistang Pinay?” pagtatanong ni Tito Boy.
“Jillian Ward,” ani Eman.
“Kinilig naman ako,” pabirong hirit naman ni Tito Boy.
Maririnig naman ang kilig na namutawi sa nasabing segment mula sa mga manonood sa loob ng studio.
Pagtatanong pa ni Tito Boy, “one to ten, gaano mo kagustong ligawan si Jillian Ward?”
“Five,” sagot naman ni Eman.
Dahil dito, hindi napigilan ng netizens na magbirong si Jillian na umano ang may potensyal na susunod na Jinkee Pacquiao.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao:
“Jillian Ward next Jinky Paquiao.”
“#JillianWard to be jinky ni emman.”
“Why not a loveteam with Jillian, may chemistry.”
“Tabi, guys. Number 1 sa pila si Ms Jillian Ward.”
“Jilian ward pag nilgawan ka nyan wag muna pakawalan ha ha ha”
“Galing naman ng piolo Pacquiao namin”
“Grabe talaga ang isang Jillian Ward.”
“Jillian ha umeeksena ka ha.”
Samantala, bukod sa rebelasyon ni Eman sa pagiging interesado niya kay Jillian, isa rin sa mga hinangaan ng netizens ang mabilis at laging maka-Diyos na sagot niya kay Tito Boy.
Ayon sa netizens, malayo raw ang mararating ni Eman dahil sa pananampalataya niya sa Diyos.
MAKI-BALITA: ‘Piolo Pacquiao?’ Ilang netizens, naglalaway pa rin kay Eman Bacosa
MAKI-BALITA: Pinagbiyak na bungang Piolo Pascual at Eman Bacosa, nagkita na!
Mc Vincent Mirabuna/Balita