December 13, 2025

Home BALITA

Sen. Imee sa mga nagpuslit sa kaniya ng impormasyon tungkol sa droga: 'Iingatan ko kayo!'

Sen. Imee sa mga nagpuslit sa kaniya ng impormasyon tungkol sa droga: 'Iingatan ko kayo!'
Photo Courtesy: via MB

Nagpaabot ng mensahe si Sen. Imee Marcos para sa lahat ng matatapang na nagbigay ng impormasyon sa kaniya tungkol sa usapin ng droga.

Sa latest Facebook post ni Sen Imee nitong Miyerkules, Nobyembre 19, tiniyak niya ang kaligtasan ng mga impormante.

Anang senadora, “Sa lahat po ng nagpapadala ng impormasyon, larawan atbp tungkol sa usapin ng droga na aking hinarap, tinanggap at gustong solusyunan para sa aking pamilya at ating bayan, Ligtas po ang inyong pagkakakilanlan at tatanawin ko itong malaking utang na loob.”

“Sa mga nais pang magbahagi, iingatan ko kayo,” dagdag pa niya.

National

PBBM, ibinida bagong Banago Port sa Bacolod City!

Matatandaang isiniwalat ng senadora ang tungkol sa umano’y paggamit ng droga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa talumpati niya sa ikinasang kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand noong Lunes, Nobyembre 17.

Maki-Balita: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na gumagamit diumano ng droga si PBBM

Kapuwa naman pinabulaanan ng Malacañang at ni Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ang akusasyong ito laban sa pangulo at kapatid ng senadora.

Maki-Balita: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'

Maki-Balita: Sandro sa paratang ni Sen. Imee sa 'drug addict' umano si PBBM: 'Hindi ito asal ng isang tunay na kapatid'