December 13, 2025

Home BALITA

Red notice, kanselasyon ng passport, minamatahan ng Ombudsman laban kay Zaldy Co

Red notice, kanselasyon ng passport, minamatahan ng Ombudsman laban kay Zaldy Co

Inanunsyo ng Office of the Ombudsman nitong Miyerkules, Nobyembre 19, 2025 na hihilingin nito ang pagkansela ng pasaporte ng dating Ako-Bicol party-list representative na si Zaldy Co at ang paglalabas ng Interpol red notice upang mapabalik siya sa Pilipinas.

Noong Martes, Nobyembre 18, nagsampa ang Ombudsman ng mga kasong graft at malversation laban kay Co, ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at mga kasapi ng isang construction firm dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa “labis na substandard” na road dike project sa Oriental Mindoro.

KAUGNAY NA BALITA: 'Walang piyansa!' Zaldy Co, kinasuhan ng Ombudsman dahil sa flood control scam

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, kapag inilabas na ang arrest warrant laban kay Co, maaari na itong gawing basehan para kanselahin ang kanyang pasaporte at humiling ng Interpol red notice.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“On the basis of that warrant, marami po tayong remedies. Pwede po tayong humingi sa korte na ikansela po ang passport ni Zaldy Co… ‘Pag na-cancel na po ‘yan, mas ma-limit na po ang kaniyang galaw. Hindi na po siya makakabiyahe from one country to another,” ani Clavano.

Dagdag pa niya, “On top of that pwede rin po tayong humingi ng Interpol red notice, kung saan pwede nang actively hanapin si Ginoong Zaldy Co kung saan man siya. And yung obligasyon po ng isang bansa kung may Interpol red notice ay arestuhin po ang isang tao at i-deport or i-extradite.”

Matatandaang noong nakaraang Linggo lamang nang basagin ni Co ang kaniyang pananahimik hinggil sa mga isyung kinakaharap sa maanomalyang flood control projects kung saan tahasan niyang idinawit ang mga panagalan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker  Martin Romualdez.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi