December 12, 2025

Home BALITA

'No resignation!' DepEd. Sec. Angara, dedma sa pagdawit sa kaniya sa kickback sa DPWH projects

'No resignation!' DepEd. Sec. Angara, dedma sa pagdawit sa kaniya sa kickback sa DPWH projects
Photo courtesy: via Manila Bulletin

Hindi raw itinuturing na seryoso ni Department of Education (DepEd) Sec. Sonny Angara, ang mga alegasyon sa kaniya kaugnay ng pagtanggap umano ng kickbacks sa Department of Public Works and Highways (DPWH) projects.

Sa panayam ng media kay Angara nitong Miyerkules, Nobyembre 19, 2025, ikinumpara niya ang alegasyong ibinabato sa kaniya, kumpara sa mga nauna nang idinawit sa nasabing isyu.

“'Di naman seryoso yung accusations against me. Number one, hearsay... Pangalawa, wala man lang transaksyon na binanggit. Parang sinabi lang na chairman ako, tumanggap daw ako. Eh yung iba very specific ang accusation, eh sa akin wala man lang detalye ‘di ba?”

Giit pa niya, “No resignation.”

Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang kabilang ang pangalan ni Angara sa mga kasalukuyan at dating senador na pinangalanan ni dating DPWH Usec. Roberto Bernardo noong Nobyembre 14, sa mga nakakuha ng kickbacks mula sa kanilang ahensya.

Hinggil naman sa kasong kahaharapin nila sa Ombudsman, saad ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla, "Napirmahan na ni Usec. [Roberto] Bernardo ‘yong kaniyang affidavit kaya ‘yong mga nabanggit doon,” pagsisimula ni Remulla.

 “Bong Revilla, Nancy Binay, Joel Villanueva (sa affidavit ni Henry Alcantara), Jinggoy Estrada, ‘yon ang mga binanggit talaga. Si Sonny Angara [ay] bagong pasok lang, iimbestigahan pa namin," saad pa niya. 

KAUGNAY NA BALITA: Co, Revilla, Estrada, Escudero atbp., may aginaldong warrant of arrest bago magpasko—Ombudsman