December 13, 2025

Home BALITA

'Hindi lalabas ng bansa!' Atty. Torreon, nilinaw na 'di nagtatago si Sen. Bato

'Hindi lalabas ng bansa!' Atty. Torreon, nilinaw na 'di nagtatago si Sen. Bato
Photo courtesy: via MB

Itinanggi ng abogado ni Sen. Ronald "Bato" dela Rosa na si  Atty. Israelito Torreon na nagtatago na raw ang senador bunsod ng banta ng arrest warrant ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya.

Sa isang radio interview nitong Miyerkules, Nobyembre 19, 2025, iginiit ni Torreon na masyado raw mahal ni Dela Rosa ang Pilipinas upang magtago pa siya sa ibang bansa.

"Sa tingin ko, I am not Senator De La Rosa, abogado niya ako. I do not read his mind. In all probability hindi lalabas ng bansa 'yun. Mahal na mahal niya ang bansa nating Pilipinas kaya nga nag Chief PNP yun," saad ni Torreon.

Matatandaang nauna nang ibinasura ng Supreme Court ang “Very Urgent Motion” ni Sen. Dela Rosa na hilingin kay Ombudsman Boying Remulla na ilabas ang umano’y warrant of arrest ng ICC laban sa kaniya.

'Di kami namimilit!' Mga Duterte, nananatili hangga't gusto ng tao—FPRRD

Dagdag pa niya, "You can see his record as an excellent public officer. I don't think iiwan n'ya ang Pilipinas."

Isa ang pangalan ni Dela Rosa sa mga naging matutunog na umano’y isusunod ng ICC na maaresto kasunod ng pagdampot nila kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dulot ng madugong kampanya kontra droga.

KAUGNAY NA BALITA: TIMELINE: Mula pag-implementa ng drug war, pag-imbestiga ng ICC, hanggang pag-aresto kay FPRRD