December 14, 2025

Home BALITA

'Hindi bawal sports car pero dapat maayos papeles!'—LTO

'Hindi bawal sports car pero dapat maayos papeles!'—LTO
Photo courtesy: Land Transportation Office (FB)

Binigyang-diin ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Markus V. Lacanilao na hindi raw masama ang magmay-ari ng mga luxury sports car, sa naging pahayag niya nitong Miyerkules, Nobyembre 19. 

Sa video ni Lacanilao sa opisyal na Facebook page ng LTO nitong Miyerkules, Nobyembre 19, paulit-ulit na raw niyang sinasabing huwag gumamit ng mga sasakyang walang rehistro, plaka at walang dalang lisensya. 

“Paulit-ulit kong sinasabi, hindi bawal magmay-ari ng mga sports car na ‘yan,” pagsisimula niya. 

Dagdag pa niya, “ang ipinagbabawal, kung ‘yong mga sasakyan ninyo ay hindi nakarehistro, walang plaka, at higit sa lahat ‘yong wala kayong dalang lisensya.” 

DPWH sa Senado: 'Restore the deducted amounts from the projects in the 2026'

Pagpapaalala ni Lacanilao, talaga umanong mabigat kung lalabag ang mga may-ari ng sasakyan sa mga regulasyong ito. 

Binali rin niya ang paniniwala umano ng marami na mamahaling sasakyan lang daw ang kinukumpiska nila. 

“Hindi ibig-sabihin na dahil luxury [car] lang, hindi. Lahat ng sasakyan sinisiguro naming i-check kung wala ‘yang plaka…” aniya. 

Pagdidiin pa ulit ni Lacanilao, “kaya inuulit ko sa publiko, hindi bawal magmay-ari ng mga ganitong sasakyan pero siguraduhin natin na maayos ‘yong papeles ng ating sasakyan at mayroon tayong plaka na kinakabit sa harap.” 

Bago nito, nauna na ring isapubliko ng LTO sa kanilang Facebook page nito ring Miyerkules ang tungkol sa anim na luxury cars na nasamsam nila sa Bulacan. 

MAKI-BALITA: ‘Impound tuloy!’ LTO, sinamsam 6 na luxury cars sa Bulacan dahil sa iba’t ibang paglabag

“The Land Transportation Office (LTO) has impounded six luxury vehicles that were apprehended in Marilao, Bulacan, for violations including no license plates attached, use of fake license plates, and no vehicle registration,” mababasa sa caption ng post ng LTO. 

“Asec. Lacanilao also reminded the public that all vehicles must have complete documentation, be properly registered, have license plates correctly installed, and be operated only by duly licensed drivers. He emphasized that compliance is essential to protect public safety and maintain order on the roads,” pagtatapos pa nila. 

Samantala, hindi naman na inisa-isa ng LTO ang brand ng mga nasabing sasakyan at pagkakakilanlan ng mga may-ari nito.

MAKI-BALITA: ‘Impound tuloy!’ LTO, sinamsam 6 na luxury cars sa Bulacan dahil sa iba’t ibang paglabag

Mc Vincent Mirabuna/Balita