December 14, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Hayaan mo susunod ako sayo!' Ex-BF ng pumanaw na VMX actress, nakapag-post pa bago pagkamatay

'Hayaan mo susunod ako sayo!' Ex-BF ng pumanaw na VMX actress, nakapag-post pa bago pagkamatay
Photo courtesy: Screenshots from Ivan Cesar Ronquillo/FB

Binalikan ng mga netizen ang huling social media posts ni Ivan Cesar Ronquillo, ang sinasabing dating karelasyon ng pumanaw na VMX (dating Vivamax) actress na si Gina Lima, na siyang huling nakasama ng huli sa isang condominium unit sa Quezon City at siyang nagsugod pa sa huli sa ospitalm noong Linggo, Nobyembre 16, nang matuklasan niyang walang malay ang aktres.

Nitong Miyerkules, Nobyembre 19, isinugod sa ospital si Ronquillo matapos matuklasang "lifeless" na siya sa mismong condo unit kung saan naganap ang insidente kay Lima.

PAGKAMATAY NI GINA LIMA

Batay sa inisyal na autopsy findings ng pulisya sa bangkay ni Lima, walang "non-fatal external injuries" sa katawan niya at hindi ang mga pasang nakita sa hita niya ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.

Tsika at Intriga

Bianca dadalhin sa langit si Will, si Dustin naman sa impiyerno

Ang nakasaad sa inilabas na medico-legal certification, "presence of heart congestion, congested and edematous lungs" batay sa mga kinalap na specimen gaya ng stomach content, blood, urine, vaginal swabs, at organ cut sections.

Kung isasalin sa wikang Filipino ang maaaring naging rason ng pagkamatay ni Lima, ito ay "presensya ng pagsisikip sa puso, at barado at namamaga ang mga baga."

Kinumpirma ng QCPD na hindi namatay sa bugbog ang aktres nitong Miyerkules, Nobyembre 19. 

Taliwas sa mga kumakalat at ipinakakalat ng ilang content creators na umano'y binugbog ni Ronquillo si Lima, na naging sanhi ng pagkamatay ng aktres. 

Maki-Balita: VMX actress Gina Lima, ‘di namatay sa bugbog—QCPD

PAGKAMATAY NI IVAN RONQUILLO

Samantala, nitong Miyerkules, Nobyembre 19, kinumpirma ni La Loma Police Station Commander Lt. Col. Jose Luis Aguirre, isinugod pa si Ronquillo sa ospital upang subukang i-revive, ngunit idineklara rin itong patay pagdating doon.

Kumakalat din ang mga post na alegasyong umano'y kinitil ni Ronquillo ang sariling buhay dahil sa nangyari kay Lima.

May mga kumakalat ding intrigang tila nakadagdag daw sa ginawa niya sa sarili ang paninisi ng marami sa nangyari sa aktres, dahil nga sila raw ang huling magkasama bago ang pagkamatay ni Lima.

Maki-Balita: Ex-BF ng pumanaw na VMX actress na nagdala sa kaniya sa ospital, natagpuang patay!

POSTS NI RONQUILLO BAGO ANG PAGKAMATAY

Miyerkules ng 12:29 ng madaling-araw, Nobyembre 19, nakapag-post pa si Ronquillo ng video clips ng masasayang alaala nila ng pumanaw na dating karelasyon.

Makahulugan ang nakalagay sa caption dahil kung pagbabatayan, mukhang labis na naapektuhan si Ronquillo na nawala si Lima habang nasa tabi niya. Sinabi niyang mahal na mahal niya si Lima at hindi niya kayang mawala sa tabi niya ang aktres.

May sinabi rin si Ronquillo na pahayag na "hayaan mo susunod ako sayo."

Mababasa sa post niya, as is published, "Mahal na mahal kita gina hinding hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko at hinding hindi ko kaya mabuhay ng wala ka sobrang sakit na sa tabi pa kita nawala hayaan mo susunod ako sayo at makakasama nakita alam na natin satin dalawa na walang makakapigil sa pagmamahal natin."

Photo courtesy: Screenshot from Ivan Cesar Ronquillo/FB

Bukod sa sweet memories nila together, isa sa mga napasama sa nabanggit na video ay ang tila pagne-nebulize ni Lima. 

Bandang 12:42 ng madaling araw sa parehong araw, ibinahagi naman ni Ronquillo sa isang post ang dalawang video clips: ang una ay mahihinuhang kuhang video ila ni Gina habang nasa loob ng condo unit, at ang isa naman, emosyunal na siya at makikitang nakahiga na si Gina sa isang hospital stretcher.

"Baby ko, baby ko," umiiyak na sabi ni Ronquillo sa pangalawang video.

Mababasa naman sa post, "Eto na pala yung huling pahinga natin baby dapat sinabi mo mahal na mahal kita sinermonan mo pa ko kay papa kasi di ko binati at panay ka sabi sa papa mo na namimiss mo na siya ngayon baby susunod ako sayo dyan kung asan ka man."

Photo courtesy: Screenshot from Ivan Cesar Ronquillo/FB

Bandang 1:11 ng madaling araw, ipinakita ni Ronquillo ang dalawang larawan niya kung saan tila makikitang may mga sugat siya sa pisngi at kamay.

Sa isang video naman na tila nasa loob siya ng isang sasakyan, ipinakita niya rin ang mga galos niya sa pisngi, leeg, kamay, at maging ngipin na tila may basag.

Sa post, isang pangalan ang nabanggit niya. Hindi naman natukoy kung ano ang eksaktong nangyari sa kaniya, at kung sino-sino ang gumawa nito sa kaniya. 

Mababasa, as is published, "Kay kevin tan yg maraming salamat sa ginawa mo sa mukha justice narin bahala sayo at maraming salamat sa pag kalat maling impormasyon."

Photo courtesy: Screenshot from Ivan Cesar Ronquillo/FB

Ito na ang huling post ni Ronquillo, bago sumambulat ang mga balitang natagpuan siyang walang buhay sa condo unit kung saan nakasama niya at nawalan din ng buhay si Lima.

Wala pang inilalabas na final autopsy findings ang pulisya sa tunay na dahilan ng pagkamatay ni Ronquillo, at kung may koneksyon ba ito sa pagkamatay ni Lima.