Malugod na tinanggap ng Sparkle GMA Artist Center ang anak ni “Pambasang Kamao” at dating Senador Manny Pacquiao na si Eman Bacosa.
Ayon sa ibinahaging post ng Sparkle GMA Artist Center nitong Miyerkules, Nobyembre 19, masaya nilang ibinalita ang pagpasok ni Eman sa kanilang artist center.
“Welcome to Sparkle, Eman Bacosa Pacquiao,” panimula sa caption ng nasabing post.
Photo courtesy: Sparkle GMA Artist Center (FB)
“With his charm, discipline, and growing presence, Eman is ready to carve his own path in the industry! We’re excited to support his journey and see what’s ahead,” dagdag pa nila.
Dahil dito, tila naging masaya rin ang netizens sa bagong karera na tatahakin nila.
Habang hirit naman ng ibang netizens, ipasok sa Pinoy Big Brother (PBB) si Eman at aktres na si Jillian Ward o kaya gumawa na lang daw sila ng pelikula nang magkasama.
Narito ang ilang komentong iniwan ng mga tao sa naturang post:
“KNG MAY SEASON 3 MAN ANG PBB COLLAB, PLS IPASOK SYA SA BAHAY NI KUYA. ISAMA NYO NA DIN SI JILLIAN WARD. BAKA SILA PA TATANGGAPIN KO NA MAGKA LOVETEAM SA LOOB NG BAHAY NI KUYA”
“Nag boom ang career since accept sya ay nging pacquiao,naging advantage din.be humble, kind hearted.”
“Wow congrats Emman Sana maka tambal.m.c Julian ward.”
“YES Kapuso Na. Sha”
“Pakipasok na sa Bahay ni Kuya yan!”
“Dear GMA Sparkle Management, Please give him quality projects! He has a promising opportunities to unfold. Thank you!”
“Papatok to pag mag loveteam cla ni Jillian, feel ko na yung kilig ni Emman pag makasama na nya sa show c Jillian.”
“Short drama with Jillian Ward.”
“Congrats eman bigyan nio po c eman lagi ng appearance sa tv show at madaming commercials para lagi namin xa napapanuod sobrang lakas ng sex appeal ni eman ang sarap nia panoorin at titigan nakakakilig napaka bait pa kaya deserve nia lahat ng blessings na dumating sa kanya god bless u more eman pogi”
Bago nito, nauna na ring aminin ni Eman sa naging panayam sa kaniyasa Fast Talk ni Asia's King of Talk Boy Abunda noong Martes, Nobyembre 18, na crush niya si Jillian.
MAKI-BALITA: 'Susunod na Jinkee?' Eman Bacosa, type si Jillian Ward!
“Crush mong artistang Pinay?” pagtatanong ni Tito Boy.
“Jillian Ward,” ani Eman.
“Kinilig naman ako,” pabirong hirit naman ni Tito Boy.
Ramdam naman ang kilig sa nasabing segment mula sa mga manonood sa loob ng studio.
Pagtatanong pa ni Tito Boy, “one to ten, gaano mo kagustong ligawan si Jillian Ward?”
“Five,” sagot naman ni Eman.
Matapos nito, tila napansin ni Jillian ang naging pag-amin ni Eman tungkol sa kaniya.
Sa naging post ni Jillian sa kaniyang Facebook account noon ding Martes, makikita ang tatlong heart emoji sa caption ng aktres kaugnay sa naturang interview kay Eman.
Photo courtesy: Jillian Ward (FB)
Bukod dito, matatandaang pumutok ang pangalan ni Eman sa naging laban at pagkapanalo niya noon sa "Thrilla in Manila 2" sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City noong Oktubre 29, 2025.
MAKI-BALITA: 'Mana sa ama!' Anak ni Manny Pacquiao, wagi sa Thrilla in Manila 2
Nasungkit niya ang panalo sa lightweight-6 rounds via unanimous decision mula sa kalaban niyang si Nico Salado ng Bohol, matapos makalikom ng puntos na 58-55, 58-5, 60-53.
MP Promotions (MPP) ng tatay niyang si Pacman ang nasa likod n boxing event, bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng "Thrilla in Manila," ang kontrobersyal na boxing match sa pagitan nina Muhammad Ali at Joe Frazier na ginanap sa nabanggit na venue noong Oktubre 1,1975.
MAKI-BALITA: ‘Piolo Pacquiao?’ Ilang netizens, naglalaway pa rin kay Eman Bacosa
MAKI-BALITA: Pinagbiyak na bungang Piolo Pascual at Eman Bacosa, nagkita na!
Mc Vincent Mirabuna/Balita