January 31, 2026

Home BALITA National

DILG, iginiit karapatan sa mapayapang protesta pero may limit kung magbubunsod ng sedisyon

DILG, iginiit karapatan sa mapayapang protesta pero may limit kung magbubunsod ng sedisyon
Photo courtesy: DILG/FB, MB


Kinikilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang karapatan ng publiko na magdaos ng mapayapang kilos-protesta, ngunit kasabay nito ang pagpapatupad nila ng mga batas na pipigil sa posibilidad ng sedisyon.

Kaugnay ito sa ilang mga protestang isinagawa upang isigaw ang panawagan ng publiko, at ang mga hinaharap na isyu ng administrasyon sa kasalukuyan.

Sa ibinahaging Facebook post ng DILG nitong Miyerkules, Nobyembre 19, pinagtitibay nila ang karapatan ng mamamayan na mag-organisa ng mga mapayapang protesta, upang ilahad ang kanilang mga hinaing at naisin.

“The Department reaffirms that the right of citizens to organize, to assemble peacefully, and to express their views is protected under Article III Section 4 of the 1987 Constitution. These rights form part of the democratic space that the Department is duty bound to safeguard,” anang DILG.

Sa kabila nito, nilinaw din nila na nararapat lamang na magpatupad ng mga batas ang kanilang ahensya upang bumuo ng mga limitasyon hinggil sa mga ekspresyong ito, lalo na kung nagbubunsod na ng sedisyon.

“At the same time, the Department must enforce the laws that define the limits of protected expression. Articles 139 to 142 of the Revised Penal Code clearly outline what constitutes sedition and inciting to sedition,” anang ahensya.

“These provisions apply only when acts or statements seek to stir unlawful resistance against lawful authorities or to prevent the government from performing its functions. This legal standard is well-established and has guided national security assessments across administrations,” saad pa nito.

Nanindigan ang DILG na tinitiyak nilang nakapagsasalita nang malaya ang publiko, basta’t ang mga ito ay naaayon sa batas, sapagkat ito ay isang tanda ng demokrasya.

“The Department remains committed to protecting both democratic rights and public order. Ensuring that citizens can speak and gather freely, while upholding the laws that guard against unlawful destabilization, is essential to a functioning democracy,” pagtatapos nila.

Photo courtesy: DILG/FB

Matatandaang nagpahayag ang DILG kamakailan hinggil sa mga isinagawang kilos-protesta ng iba’t ibang grupo sa iba’t ibang panig ng bansa.

KAUGNAY NA BALITA: DILG sa mga magulang: Huwag pasamahin mga anak sa mga ‘Geng-Geng,’ ‘gangsta’ na lalahok sa INC protest-Balita

KAUGNAY NA BALITA: ‘Inciting to sedition?’ DILG Sec. Remulla, paiimbestigahan panawagang ‘Marcos Resign’-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA