Tinuligsa ni Anti-poverty czar Larry Gadon ang ginawang paninira umano ni Senador Imee Marcos laban sa kapatid nitong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Matatandaang sinabi ni Sen. Imee sa malawakang kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na gumagamit umano ng droga ang kapatid niya.
Maki-Balita: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM
Sa latest Facebook post ni Gadon noong Lunes, Nobyembre 17, sinabi niyang sinisiraan ni Sen. Imee ang pangulo para makatakbo ito bilang running mate ni Vice President Sara Duterte sa pagkabise-presidente.
“Iyan pala ang plano mo, na tumakbo kang Vice President kay Sara. Nasaan na, nasaan ang lohika mo nasaan na ang iyong isip napunta?” saad ni Gadon.
Dagdag pa niya, “Kinakampihan mo ang mga mamamatay-tao ang mga magnanakaw ang mga korap. Hindi lang korap na sobrang sobrang korapsiyon ng ginawa niyan dahil sa flood control project. Kung hindi pa dahil kay BBM, hindi mabubunyag ‘yan.”
Samanatala, tinawag naman niyang “lumang tugtugin” ang paratang ng senadora na adik umano ang pangulo.
“At ‘yang mga adik-adik na ‘yan, lumang tugtugin na ‘yan. Wala ng bumibili dyan. Kayo lang na bumibili dyan yung mga kulang, yung mga bobo,” anang Anti-poverty czar.
Maki-Balita: 'Pambihira ang utak mo!' Gadon, dismayado kay Sen. Imee
Bumwelta rin si Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Use. Claire Castro sa paratang na ito ni Sen. Imee.
MAKI-BALITA: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'