December 12, 2025

Home BALITA National

Sen. Imee kay Sandro: 'Magpa-DNA test ako, magpa-hair follicle test sila'

Sen. Imee kay Sandro: 'Magpa-DNA test ako, magpa-hair follicle test sila'

Nagmungkahi ng solusyon si Senador Imee Marcos kaugnay sa naging sagot ng pamangkin niyang si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos sa sinabi niyang gumagamit umano ng droga ang kapatid niyang si Pangulong Bongbong Marcos Jr.

"Gustong paingayin ni Sandro ang usap-usapang hindi ako tunay na kapatid," saad ni Sen. Imee sa kaniyang latest Facebook post.

"Isa lamang ang solusyon: Magpapa-DNA test ako, magpa-hair follicle test sila," dagdag pa niya.

Matatandaang tahasang sinabi ni Sen. Imee sa kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC) noong Lunes, Nobyembre 17, na gumagamit diumano ng droga ang pangulo. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Bukod dito, nabanggit din ni Sen. Imee ang misis ni PBBM na si First Lady Liza Araneta-Marcos at si Sandro. 

Maki-Balita: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na gumagamit diumano ng droga si PBBM 

Bagay na pinabulaanan mismo ni Sandro nitong Martes, Nobyembre 18

"Sa lahat po ng binanggit ni senadora, walang basehan, walang katotohanan, at walang magandang idudulot sa bayan," ani Sandro sa isang pahayag.

Tinapos ng mambabatas ang pahayag niya sa "HINDI ITO ASAL NG ISANG TUNAY NA KAPATID."

Maki-Balita: Sandro sa paratang ni Sen. Imee sa 'drug addict' umano si PBBM: 'Hindi ito asal ng isang tunay na kapatid'

Sa isang livestream naman ni Palace Press Officer and Usec. Claire Castro noong Lunes ng gabi, tahasan niyang sinabi na "desperadong galawan" ni Sen. Imee laban sa sarili nitong kapatid ang naging pahayag niya. 

Maki-Balita: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'