December 12, 2025

Home BALITA Politics

Palasyo: Sen. Imee, presidente gustong sirain; may mga isyu sa korupsiyon, ayaw?

Palasyo: Sen. Imee, presidente gustong sirain; may mga isyu sa korupsiyon, ayaw?
Photo Courtesy: PCO, Imee Marcos (FB)

Maliwanag para sa Malacañang kung sino ang kinikilingan ni Senador Imee Marcos matapos nitong isiwalat ang tungkol sa umano’y paggamit ng droga ng kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Sa isinagawang press briefing nitong Martes, Nobyembre 18, sinabi ni Palace Press Office at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na gusto raw sirain ni Sen. Imee ang kapatid nito habang pinoproteksyunan ang mga taong sangkot sa isyu ng korupsiyon.

“Kitang-kita naman po natin kung sino ba ‘yong kaniyang pinoproteksyunan. Kitang-kita n’yo na ang pangulo ang gusto niyang sirain pero ang pinoproteksyunan niya ay ‘yong may isyu tungkol sa korupsiyon na si bise-presidente [Sara Duterte],” saad ni Castro.

“Hindi man lang niya iningayan ang patungkol sa isyu ng confidential funds,” pagpapatuloy niya. “Hindi rin niya iningayan ang pagpapadala sa dating Pangulong Duterte sa ICC. Ang iningay niya rito, pabor pa siya mismo sa taong umaming siya ay murderer.”

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Dagdag pa ng undersecretary, “Hindi man lang niya yata inisip ang mga kalagayan ng mga taong diumano ay biktima ng EJK.”

Kaya malinaw umano sa Palasyo na ang direksyon gustong tumbukin ni Sen. Imee ay sirain ang mismong kapatid nito.

Matatandaang nauna nang kontrahin ni Castro sa kaniyang livestream ang pasabog ng senadora tungkol sa pangulo ilang oras makalipas ang talumpati nito sa malawakang kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) noong Lunes, Nobyembre 17.

Maki-Balita: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na gumagamit diumano ng droga si PBBM

Maki-Balita: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'

Maging ang anak ni Marcos, Jr. na si Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos ay nagsalita rin sa naturang isyu para igiit na walang katotohanan ang mga pahayag ng tita niya.

"Sa lahat po ng binanggit ni senadora, walang basehan, walang katotohanan, at walang magandang idudulot sa bayan," anang kongresista.

Maki-Balita: Sandro sa paratang ni Sen. Imee sa 'drug addict' umano si PBBM: 'Hindi ito asal ng isang tunay na kapatid'