December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Maricel Soriano, nakaladkad sa pasabog ni Sen. Imee laban kay PBBM

Maricel Soriano, nakaladkad sa pasabog ni Sen. Imee laban kay PBBM
Photo courtesy: via Balita/MB

Isa sa mga personalidad na nabanggit ni Sen. Imee Marcos, sa rebelasyon niyang umano'y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kapatid na si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa pangalawa at huling araw ng "Rally for Transparency for a Better Democracy" ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila noong Lunes, Nobyembre 17, ay ang pangalang "Maricel Soriano."

Ayon kay Imee, bilang nakatatandang kapatid, bata pa lamang daw sila, alam na niyang gumagamit umano ng droga ang kaniyang ading na si Bongbong.

“Bata pa lang kami ni Bongbong, alam na ng buong pamilya ang problema sa kaniya. Sa totoo lang, mababasa naman ng lahat ang mga testimonya ng aking ama patungkol sa kaniyang ugali at gawain," giit ng senadora.

“Noon, dahil may tatay pa kami [dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.], hindi ko pa siya responsibilidad. Noong tumatanda ay mas naging nakakabahala."

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

"Batid ko na nagda-drugs siya!" pasabog ni Sen. Imee na ikinadagundong ng hiyawan ng mga dumalong miyembro ng INC.

Pagdedetalye pa ni Sen. Imee, noong 2016 daw, sa kampanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na giyera kontra droga, isa raw sa mga pangalang nasa listahan ay pangalan ng kapatid, kasama ng iba pang celebrities at artista, kung saan nabanggit niya ang pangalang "Maricel Soriano."

"Noong 2016, kasabay ng kampanya ni dating Pangulong Duterte laban sa droga, lumabas ang pangalan ni Bongbong sa listahan!"

"Nakasama siya sa listahan ng mga celebrities, mga artista, Maricel Soriano at iba pa," matinding pasabog ni Sen. Imee.

Maki-Balita: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM

MARICEL SORIANO SA SENATE COMMITTEE HEARING ON PUBLIC ORDER AND DANGEROUS DRUGS

Noong Mayo 2024, naimbitahan ang Diamond Star sa isinagawang hearing ng senate committee on public order and dangerous drugs matapos daw na mapasama ang pangalan niya sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa mga celebrity at iba pang personalidad na umano'y gumagamit ng ilegal na droga.

Matatandaang may kumalat na dokumento mula umano sa PDEA noong 2012 kung saan kasama raw umano ni Soriano si PBBM na gumagamit umano ng ilegal na droga sa loob ng condo unit sa Rockwell sa Brgy. Poblacion, Makati City.

Sa ikalawang pagdinig noong Mayo 7, dumalo si Soriano at itinanong sa kaniya ng senate committee chair na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang tungkol sa naturang dokumento.

Itinanggi ni Soriano ang mga paratang sa kaniya, at sinabing naibenta na raw niya ang nabanggit na condo unit.

Kaugnay na Balita: Maricel Soriano, wala raw alam sa PDEA document; umaming sa kaniya ang condo unit

Kaugnay na Balita: Maricel Soriano, ‘di raw totoong nambugbog siya ng 2 kasambahay

Nang tanungin naman si PBBM tungkol sa alegasyon, tinawanan lamang niya ito.

Kaugnay na Balita: PBBM, tinawanan alegasyong sangkot sila ni Maricel Soriano sa iligal na droga

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o opisyal na pahayag ang kampo ni Soriano tungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.