Inalmahan ni Queen of All Media Kris Aquino ang ipinapakalat na tsika ng dating “Eat Bulaga” host Anjo Yllana patungkol sa relasyon nila noon.
Sa latest Instagram ni Kris noong Lunes, Nobyembre 17, nilinaw niyang wala raw kasabay si Anjo nang maging jowa niya ang huli.
“You filled my room with pink balloons for our first monthsary (hindi ako proud but he said as he started we didn’t last 3 weeks because pinagsabay ko sila ni Robin. Wala syang kasabay. Anjo, ano ba, we were outside my mom’s house hinatid mo ko- may naghihintay),” lahad ni Kris.
“It was a big surprise for me & you,” pagpapatuloy niya.
“You left with these parting lines: mukhang nakakagulo ako, fyi girlfriend ko sya, kahit feeling ko pag gising ko wala na. The Surprise: Girlfriend mo harapan mong binabastus. You don’t trust her? Dumalaw ako dahil isang buwan akong abroad, dala ko yung pasalubong ko… Diba mauuna ka na? I stood unmoving, staring at the floor,” dagdag pa ng Queen of All Media.
Matatandaang sa isang panayam noong Hunyo, tsinika ni Anjo sa isang episode ng vlog ng aktres na si Snooky Serna ang tungkol sa relasyon nila ni Kris na tumagal lang ng tatlong linggo.
Aniya, “No’ng medyo kami pa, ano lang naman kami, parang three weeks. Nag-break kami ni Kris kasi minsan dumalaw ako sa kaniya.
“Nagdala ng flowers, ‘yong flowers ko parang galing Baguio. May matataas na stem na roses na alam mong galing sa ibang bansa. Sabi ko, 'Hmp, kanino galing yan na roses na yan?’” dugtong pa ni Anjo.
Sumagot umano si Kris sa tanong niya at sinabing galing kay Robin. Kinompronta niya ito para tanungin kung nanliligaw ba ang actor-turned-senator.
‘“Oh, he's my boyfriend,” sagot ni Kris. "Including Aga."
Nabaliw daw si Anjo sa rebelasyong ito ni Kris. Pero kalaunan ay naging malapit din naman daw sila sa isa’t isa.