December 13, 2025

Home FEATURES Human-Interest

‘Journal season’s here!’ ALAMIN: Journal prompts para sa nalalabing araw ng 2025

‘Journal season’s here!’ ALAMIN: Journal prompts para sa nalalabing araw ng 2025
Photo courtesy: Unsplash

Apatnapu't apat na araw na lang, magtatapos na ang taong 2025. 

Para sa karamihan, ang taong ito ay puno ng mga aral at pagsubok na hindi malilimutan, pang-“character development” ika nga ng Gen Zs, habang sa ilan, siksik naman ito sa mga tagumpay at plot twists na higit pa sa ipinalangin. 

Ayon sa healthline, ang journaling o paglalathala ng mga saloobin sa journal ay nakatutulong para sa maibsan ang stress ng araw-araw na buhay at para mas makilala ang sarili. 

Ito’y dahil nakatutulong ang journaling para magbigay ng espasyo at distansya para makita ng isang taong ang sitwasyon nito sa obhektibong pamamaraan. 

Human-Interest

#BalitaExclusives: Anak na nilibre mga magulang niya sa abroad, hinangaan ng netizens

Para mabalikan nang matiwasay ang mga naging ganap sa taong 2025, narito ang “Journal Prompts” bago pumasok ang New Year: 

1. Learning corner

Sa prompt na ito, binibigyang pagkakataon ang sarili na ibahagi ang mga natutunan mula sa mga pangyayari–mabuti man ito o hindi kaaya-ayang ganap. 

Maaaring makita rito ang “growth” na nangyari sa sarili sa mga nagdaang buwan at mga pangyayari. 

2. Ano ang mga pagsubok na dinaanan at paano ito nalagpasan? 

Habang iniiwasan ng karamihan ang pagbabalik-tanaw sa mga hindi kaaya-ayang pangyayari, ang pagsagot sa katanungang ito, maaaring mas ma-appreciate ng isang tao ipinamalas niyang katatagan sa pagharap dito. 

3. Mga nagbigay ng saya at lakas sa araw-araw

Bilang “social beings,” ang mga tao ay kadalasang humuhugot ng lakas ng loob sa iba para magpatuloy mula sa malalapit na kapamilya at kaibigan para magpatuloy sa buhay. 

Sa pagbabalik-tanaw kung sino ang nagpagaan ng araw-araw, maaaring ma-appreciate ang mga kapamilya at kaibigan na walang sawang nagpakita ng suporta. 

4. Ano ang mga bagay na natakot kang gawin ngunit maglalapit sa “dream life” mo? 

Sa prompt na ito, layong matulungan ang isang tao na balikan ang mga takot na pumigil dito para gawin ang isang bagay, at gamitin ito para mas mapalapit sa pinapangarap na buhay sa susunod na taon. 

5. Mga bagay na nagpapasaya at gaano kadalas pa ito puwedeng gawin. 

Sa prompt na ito, layon na pag-isipin ang tao sa mga bagay o hobbies na nagbigay-saya sa kaniya–pagluluto, pagkanta, o pagsayaw man ito, maaari itong makatulong para mapagtunton ng isang indibidwal na bigyang panahon ang mga bagay na hindi lang nagpapalakas sa kaniya, ngunit nakatutulong din para huminga siya mula sa mga stress ng buhay. 

6. Mga adhikain para sa susunod na taon

Bukod sa pagbabalik-tanaw, ang journal prompt na ito ay layong bigyan ng pag-asa sa hinaharap ang isang tao, at planuhin ng maigi at naaayon ito, gamit ang mga natutunan at napagtanto niya mula sa nagdaang taon. 

Sean Antonio/BALITA