Nagpaabot ng bukas na liham si Senador Imee Marcos para paalalahanan ang mga kababayang Ilocano na mag-ingat sa Palasyo at kay Ilocos Norte 1st District Rep. Sandro Marcos.
Sa latest Facebook post ni Sen. Imee nitong Martes, Nobyembre 18, sinabi niyang nauunawaan niya raw ang mga Ilocano kung may gawin man ang mga ito para hindi mapag-initan.
“Sa aking mga Minamahal na Ilocano, ngayon pa lamang ay nauunawaan ko na kung may mga gagawin kayo para hindi kayo mapaginitan.Huwag nyo akong alalahanin. Alam natin at ng Ilocos ang buong katotohanan,” saad ni Sen. Imee.
Dagdag pa niya, “Ang hiling ko na lamang ay mag-ingat kayo, pangalagaan nyo ang inyong sarili at nasasakupan mula sa Palasyo at kay Sandro. Kaya ito ni Manang.”
Matatandaang isiniwalat ng senadora ang tungkol sa umano’y paggamit ng droga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa talumpati niya sa ikinasang kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand noong Lunes, Nobyembre 17.
Maki-Balita: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na gumagamit diumano ng droga si PBBM
Kapuwa naman pinabulaanan ng Malacañang at ni Rep. Marcos ang akusasyong ito laban sa pangulo at kapatid ng senadora.
Maki-Balita: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'
Maki-Balita: Sandro sa paratang ni Sen. Imee sa 'drug addict' umano si PBBM: 'Hindi ito asal ng isang tunay na kapatid'