December 12, 2025

Home BALITA

'Hindi siya natakot!' Pulong, binalikan babala ni FPRRD tungkol sa adik na presidente

'Hindi siya natakot!' Pulong, binalikan babala ni FPRRD tungkol sa adik na presidente

Ibinahaging muli ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang talumpati ng ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa umano’y adik na presidente.

“Kayong mga military, alam ninyo 'yan. Lalo na 'yong nasa Malacañang. Alam ninyo. The Armed Forces of the Philippines, alam ninyo. May drug addict tayo na presidente, put*in*ng iyan,” sabi ng dating pangulo sa ginanap na “Hakbang ng Mausig Leaders Forum” prayer rally sa Davao noong Enero.

Maki-Balita: PBBM ‘bangag’, ‘drug addict’, sey ni ex-Pres. Duterte

Ito ay matapos ilaglag ni Senador Imee Marcos ang kapatid niyang si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na gumagamit umano ng droga.

Bato, masayang nakita ang apo

Kaya sa latest Facebook post ni Pulong nitong Martes, Nobyembre 18, sinabi niyang hindi natakot ang ama niyang balaan ang mga Piliipino sa kabila ng kalagayan nito tungkol sa katangian ng kasalukuyang pangulo.

“PRRD warned us. Sa kanyang kalagayan noon, Hindi siya natakot na sabihin ang totoo dahil mahal niya ang mga Pilipino at ang kanyang bayan,” saad ni Pulong.

Dagdag pa niya, “I hope many of us will have the courage like him to stand for what is right and what is best for our country.”

Matatandaang isiniwalat din ni Rodrigo na kasama umano si Bongbong sa drug watchlist ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ngunit pinabulaanan naman ng ahensya ang alegasyon laban sa pangulo.

Maki-Balita: Ex-Pres. Duterte, isiniwalat na kasama sa ‘drug watchlist’ si PBBM

Maki-Balita: PDEA, kinontra si ex-Pres. Duterte; itinangging nasa drug watchlist si PBBM