December 13, 2025

Home BALITA National

'Hindi maka-Pilipino!' Sen. Lacson, negats sa pagsusuplong ni Sen. Imee kay PBBM

'Hindi maka-Pilipino!' Sen. Lacson, negats sa pagsusuplong ni Sen. Imee kay PBBM
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Tila hindi pabor si Senate President Pro Tempore at chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na si Ping Lacson sa pagsisiwalat ni Sen. Imee Marcos sa diumano’y paggamit ng droga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM

Ayon sa naging panayam ng True FM kay Lacson nitong Martes, Nobyembre 18, iginiit ni Lacson na hindi siya malapit sa dalawang Marcos. 

“Hindi natin kamag-anak silang dalawa,” pagsisimula niya, “hindi rin naman ako malapit kay Presidente Marcos,” 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ani Lacson, hindi raw maka-Pilipino ang naging panlalaglag umano ni Sen. Imee sa kapatid niyang Pangulo. 

“Ang masasabi ko lang, medyo napaka [hindi maka-Pilipino]. Nakakasaksi tayo ng pag-aaway ng magkakapatid pero ‘yong naka-confine sa bahay. Kung hindi man, mayroong humahantong sa siraan behind the back,” saad niya. 

“Pero ‘yong magsalita ka sa anim-na-raang [libong] tao sa Luneta, para sa akin, hindi katanggap-tanggap bilang isang Pilipino,” diin pa niya. 

Pagpapatuloy ni Lacson, taliwas daw ang ginawa ni Sen. Imee sa turingan ng magkapamilya bilang mga Pilipino. 

“Hindi tayo ganiyang mga Pilipino. Hindi ba tayo, kapag magkapamilya, mag-away man tayo, we keep it to ourselves,” paliwanag niya. 

Wala raw ibang nakikita si Lacson na ibang motibo ng nasabing senador kundi politika.  

“Politika. Wala namang iba. Kasi wala akong makitang motibo, ba’t mo sisiraan ang sarili mong kapatid sa harap ng daan-daang libong tao,” aniya. 

Matatandaang isiniwalat ni Sen. Imee sa malawakang kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na diumano’y gumagamit ng droga ang kaniyang kapatid na si PBBM. 

“Batid ko na nagda-drugs siya[...] Naisip ko noon, kapag nag-asawa siya, malalagay na sa tahimik at magkakaroon ng direksyon[...] Mas lumala ang kaniyang pagkalulong sa droga dahil parehas pala silang mag-asawa,” saad ni Sen. Imee noong Lunes, Nobyembre 17, 2025. 

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM

MAKI-BALITA: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'

MAKI-BALITA: ‘It did not need 3 days to achieve the goal:’ INC, tinapos na ang rally

Mc Vincent Mirabuna/BalitaÂ