December 13, 2025

Home SHOWBIZ

Ellen Adarna kay John Lloyd: 'I have nothing but good things to say about him'

Ellen Adarna kay John Lloyd: 'I have nothing but good things to say about him'
courtesy: Ellen Adarna, John Lloyd Cruz (Instagram)

Tila maayos ang relasyon nina Ellen Adarna at ex-boyfriend niyang si John Lloyd Cruz, base sa sagot ng aktres sa isang netizen na nagtanong kung okay ba sila ng aktor.

Sa serye ng Instagram story ni Ellen, mapapanood na sinagot niya ang tanong ng netizen na: "Maiba naman, are you and JL ok?"

"With JL [John Lloyd] wala talaga akong masabi. I have nothing but good things to say about him," sey ni Ellen.

"We have our differences in the past but I respect him because he is a very good provider. He is honest and he is a very present father," dagdag pa niya. "Like take note, no'ng hiwalay kami ni JL before Elias turned one year old, present siya."

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Sinagot ni Ellen ang naturang tanong sa gitna ng umano'y cheating issue ng kaniyang mister na si Derek Ramsay.

Naglabas ang aktres ng mga screenshot hinggil sa umano'y pagchi-cheat sa kaniya ni Derek noon pang 2021. 

Maki-Balita: Nanahimik ka na lang sana!' Ellen, nagpasabog ng mga resibo sa umano'y cheating ni Derek

Bagay na pinabulaanan umano ni Derek. 

Maki-Balita: 'I didn't cheat, never' sey ni Derek; react ni Ellen, 'Push mo 'yan, ako pa ginawang liar!'