December 13, 2025

Home BALITA Politics

Cong. Pulong kay PBBM: ‘Kung malinis ka, patunayan mo!’

Cong. Pulong kay PBBM: ‘Kung malinis ka, patunayan mo!’
Photo courtesy: MB, Malacañang

Direktang pinatutsadahan ni Davao City 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang pagsegunda sa pahayag ni Senadora Imee Marcos sa umano’y paggamit ng droga ng Pangulo, noong gabi ng Lunes, Nobyembre 17. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM

KAUGNAY NA BALITA: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'

“Kung totoo ang sinasabi ni Senator Imee, then the Filipino people deserve clarity — not excuses,” panimula ng patutsada ni Duterte sa kaniyang pahayag. 

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Ibinahagi ng Kongresista na sa ilang taon raw nilang pangunguna sa panawagan ng pagpapa-hair follicle drug testing ng mga opisyal ng pamahalaan, layon nila na pairalin ang kalinawan at integridad sa pamahalaan. 

“For years, kami [ang] nangunguna sa panawagan para sa hair follicle drug testing for all government officials. Hindi ito bago. Hindi ito personal,” saad ni Duterte. 

“Ito ay para sa transparency at integridad sa pamahalaan. Pero hanggang ngayon, may mga ayaw sumailalim. Bakit? Anong tinatago? Sino ang pinoprotektahan?” dagdag pa niya. 

Kaya dahil sa mga naging pasabog ng senadora at presidental sister, mas lumakas pa raw ang panawagan nilang pagpapa-drug test ng bawat opisyal sa pamahalaan.

“Sa harap ng mga pahayag ng mismong kapatid niya, lalo pang lumalakas ang aming panawagan: Magpa-drug test ang lahat ng opisyal ng gobyerno. Walang exempted. Walang special treatment,” utos ng Kongresista. 

“Kung malinis ka, patunayan mo. Kung hindi, huwag mong gawing tanga ang bayan,” matalim pang patutsada nito kay PBBM.

Sa pagtatapos ng pahayag ni Duterte, binanggit niya na sa pagsunod ng Pangulo sa kaniyang panawagan, makasisiguro ang sambayanang Pilipino na sapat raw ang kaniyang kakayahan para mamuno.

“Buhay at kinabukasan ng ating mga anak ang nakasalalay dito, nararapat lang na tayo ay nakakasiguro na ang namumuno sa ating bayan ay may sapat na kakayahan at hindi mga bangag,” saad ng Kongresista. 

Photo courtesy: Congressman Paolo “Pulong” Duterte (FB)

Sa kaugnay na ulat, hinamon na rin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si PBBM na magpa-hair follicle drug test noong Hulyo 2024, matapos kumalat ang kaniyang umano’y “polvoron” video sa social media.  

Maki-Balita: Ex-Pres. Duterte, nagsalita hinggil sa umano'y 'polvoron' video ni PBBM

Pinabulaanan naman ng Department of National Defense (DND) ang naturang video ni PBBM at ayon anila isa lamang itong “maliciously crude attempt to destabilize the administration.”

“With due apologies to all the experts who vouched for the authenticity of the video, the refusal of President Marcos to undergo the hair follicle drug test is the best proof not only of the video's authenticity but, worse, his drug addiction,” pagpalag naman ni PRRD. 

Maki-Balita: Ex-Pres. Duterte, hinamon si PBBM na magpa-hair follicle drug test

Muli namang inungkat ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque ang panawagan kay PBBM na pagpapa-hair follicle drug testing noong Abril 2025, at sinabihan na wala raw sa tamang pag-iisip si PBBM dahil sa paggamit niya umano ng cocaine. 

“Kaya nga po ang tanging solusyon siyan ay magpa-hair follicle test. 'yan po siyensya ang magbibigay, ang magpapasinungalingan doon sa paratang na gumagamit siya ng ipinagbabawal na droga na hanggang ngayon, hindi niya ginagawa. At ang tanong, bakit ayaw magpa-hair follicle test? Kasi ang hair follicle test po, hindi 'yan magsisinungaling,” saad ni Roque. 

Maki-Balita: Hair follicle test, inirekomenda ni Roque kay PBBM: 'Wala sa tamang pag-iisip ang ating Presidente'

Kamakailan naman ay sinupalpal ni Presidential Communications Office Undersecretary (Usec) at Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang hamon ng aktor at TV host na si Anjo Yllana na pagpapa-hair follicle drug testing ni PBBM, nito lang Nobyembre 2025. 

"Panay po ang ngiwi ng bibig n'yo, Mr. President. Kumbinsido ang taumbayan na kayo ay gumagamit. Kaya nga baka puwede Mr. President, magpa-hair follicle test na kayo," saad ni Anjo. 

"Sino ka ba? Ipinakita mo ang totoo mong kulay dahil gusto mong paupuin si VP Sara ngayon pa lang. Nangangamoy DDS ka Anjo wala kang kredibilidad," pagpalag naman ni Castro. 

Maki-Balita: Anjo, durog kay Usec Castro: 'Sino ka ba, wala kang kredibilidad!'

Sean Antonio/BALITA