December 12, 2025

Home BALITA National

#BalitaExclusives: DOE ex-Usec. Benito Ranque, sinupalpal si Sen. Lacson; 'di politika motibo ni Sen. Imee?

#BalitaExclusives: DOE ex-Usec. Benito Ranque, sinupalpal si Sen. Lacson; 'di politika motibo ni Sen. Imee?
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO, MB FILE PHOTO

Kinontra ni dating Department of Energy (DOE) Undersecretary Benito Ranque ang pahayag ni Senate President Pro Tempore at chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na si Ping Lacson na wala raw siyang ibang nakikitang motibo ni Sen. Imee Marcos kundi politika sa pagsusuplong sa Pangulo. 

“Politika. Wala namang iba. Kasi wala akong makitang motibo, ba’t mo sisiraan ang sarili mong kapatid sa harap ng daan-daang libong tao,” saad ni Lacson sa panayam ng True FM nitong Martes, Nobyembre 18, 2025. 

MAKI-BALITA: 'Hindi maka-Pilipino!' Sen. Lacson, negats sa pagsusuplong ni Sen. Imee kay PBBM

Samantala, ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay Ranque nito ring Martes, sinabi niyang mali raw si Lacson dahil dapat lang umanong magsalita si Sen. Imee. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Mali ang sinasabi ni Lacson. Mali ‘yon. Kasi dapat lang magsalita ang pamilya,” pagsisimula niya. 

Pagpapatuloy pa ni Ranque, kinuwestiyon niya si Lacson kung itatago ba raw niya ang isang kapamilya niya sakaling malulong ito sa droga. 

“Bakit ikaw, Lacson, kung drug addict ang anak mo, itago mo ba? Hindi mo ba ipa-rehab? Hindi mo ba ipa-surrender?” tanong niya. 

Diin ni Ranque, hindi raw sila naniniwala na politika ang dahilan ng nasabing senador dahil wala umano silang pakialam kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa darating na 2028 national election.  

“At hindi ito politika. Hindi naman kami interesado, kami mga supporter kami ni VP Sara, hindi naman kami interesado sa politika mo, Bongbong Marcos dahil hindi ka naman kandidato sa 2028,” saad niya. 

“Ang sa amin, accountability,” pagtatapos pa ni Ranque. 

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM

MAKI-BALITA: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'

Mc Vincent Mirabuna/Balita