December 12, 2025

Home BALITA National

#BalitaExclusives: ‘Desperado sa kahihiyan!’ DOE ex-Usec. Ranque, tinabla pahayag ni Castro kay Sen. Imee

#BalitaExclusives: ‘Desperado sa kahihiyan!’ DOE ex-Usec. Ranque, tinabla pahayag ni Castro kay Sen. Imee
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO, MB FILE PHOTO

Tila hindi kumbinsido si dating Department of Energy (DOE) Usec. Benito Ranque sa sinabi ni Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Claire Castro na "desperadong galawan" lamang ang kamakailangang pagsasapubliko ni Sen. Imee Marcos sa diumano’y paggamit ng droga ng kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

“Ano ang dahilan ng desperadong galawan ni Senator Imee Marcos laban sa sarili niyang kapatid at pati kay First Lady kundi makapanira lamang,” saad ni Castro sa live stream niya matapos ang pagsisiwalat ni Sen. Imee sa Iglesia Ni Cristo (INC) rally noong Lunes, Nobyembre 17, 2025. 

MAKI-BALITA: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'

Samantala, ayon naman sa eksklusibong panayam ng Balita kay Ranque nitong Martes, Nobyembre 18, iginiit niyang nahihiya na umano si Sen. Imee sa diaumano’y ginagawa ng kaniyang kapatid. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

“Bakit magiging desperado ang isang kapatid na nahihiya na sa nangyari sa kanilang pamilya?” tanong niya. “[Biruin] mo, sitting president, nagdodroga?” pagdidiin pa niya. 

Ani Ranque, puno na raw si Sen. Imee kaya niya nagawang isuplong ang kaniyang kapatid na pangulo. 

“Punumpuno na ang kapatid [si Sen. Imee]. Desperado ba ‘yan? Maybe desperedo doon sa kahihiyan,” 

“At saka sina Claire Castro, desperado na rin dahil hindi ninyo magawa-gawang mapapaniwalaan ang taumbayan sa mga sinasabi ninyo,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang isiniwalat ni Sen. Imee sa malawakang kilos-protesta ng mga miyembro ng INC na diumano’y gumagamit ng droga ang kaniyang kapatid na si PBBM. 

MAKI-BALITA: Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM

“Batid ko na nagda-drugs siya[...] Naisip ko noon, kapag nag-asawa siya, malalagay na sa tahimik at magkakaroon ng direksyon[...] Mas lumala ang kaniyang pagkalulong sa droga dahil parehas pala silang mag-asawa,” saad ni Sen. Imee noong Lunes, Nobyembre 17, 2025.

MAKI-BALITA: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'

MAKI-BALITA: #BalitaExclusives: DOE ex-Usec. Benito Ranque, sinupalpal si Sen. Lacson; 'di politika motibo ni Sen. Imee?

Mc Vincent Mirabuna/Balita