December 12, 2025

Home BALITA Metro

'Ang katarungan ay paparating!' DILG, tiniyak na magbubunga mga naging panawagan sa kilos-protesta

'Ang katarungan ay paparating!' DILG, tiniyak na magbubunga mga naging panawagan sa kilos-protesta
Photo courtesy: MB, BALITA File Photo

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang taumbayan na magbubunga ang kanilang mga naging panawagan matapos ang pagdaraos ng mga kamakailang malawakang-kilos protesta. 

Sa pahayag ng DILG nitong Martes, Nobyembre 18, kinilala nila ang naging matiwasay at disiplinadong pagtitipon na isinagawa sa Quirino Grandstand at EDSA People Power Monument. 

“Sa ngalan ng Kagawaran ng Interior at Pamahalaang Lokal, nagpapasalamat po ako sa matiwasay na pagtatapos ng pagtitipon sa Quirino Grandstand at People Power Monument. Natapos ito nang walang nasaktan, walang napinsala, at walang kaguluhan,” pagkilala ng ahensya sa mga nakilahok sa mga rally. 

“Ito ay isang tagumpay ng demokrasya. Walang karapatang tinapakan at walang sigaw ang hindi narinig,” dagdag pa nito. 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

Dito ay tiniyak ng DILG na tutugunan ng pamahalaan ang mga isinigaw na panawagan sa hustisya at pananagutan. 

“Ang katarungan ay paparating. Sa panahong ito, tuloy-tuloy ang pag-andar ng gulong ng hustisya. Ang may kasalanan ay makukulong.

Ang may sala ay mahahatulan, at marami ang mananagot sa kanilang ginawa,” pagtitiyak ng ahensya sa sambayanan. 

Dagdag din ng DILG na sa pagsasakatuparan ng mga salitang ito, mananatili silang patas sa lahat. 

“Asahan ninyo na ang DILG ay patas para sa lahat: karapatan ng lipunan at pananagutan ng may kasalanan,” saad ng ahensya. 

Photo courtesy: DILG (FB)

Sa kaugnay na ulat, dalawang mga malawakang rally ang magkasabay na isinagawa kamakailan. 

Ang isa ay ang "Rally for Transparency and a Better Democracy" ng religious group na “Iglesia ni Cristo” (INC) sa Quirino Grandstand, Rizal Park mula Linggo, Nobyembre 16 hanggang Lunes, Nobyembre 17. 

KAUGNAY NA BALITA: ‘It did not need 3 days to achieve the goal:’ INC, tinapos na ang rally

KAUGNAY NA BALITA: #BalitaExclusives: INC members umaasang maaayos ang gulo, mapapanagot may-sala

Habang ang isa ay ang "Rally for Peace, Stability, and Transparency" Rally for Peace, Stability, and Transparency" ng United People's Initiative (UPI) sa EDSA People Power Monument mula Linggo, Nobyembre 16 hanggang Martes, Nobyembre 18. 

KAUGNAY NA BALITA: #BalitaExclusives:‘Malalaking isda, ‘di makukulong! Dating PACC commissioner,’ Atty. Manuelito Luna, duda sa mga maiseselda sa flood control scandal

Sean Antonio/BALITA