December 13, 2025

Home BALITA

Zaldy Co, 'di pa nasasampahan ng kaso, wala pang subpoena—DOJ

Zaldy Co, 'di pa nasasampahan ng kaso, wala pang subpoena—DOJ
Photo courtesy: BALITA FILE PHOTO

Ibinahagi sa publiko ng Department of Justice (DOJ) na wala pa raw naisasampang kaso at naipapadalang subpoena kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy matapos ang mga kontrobersyal ng pagsisiwalat niya sa umano’y ₱100 billion insertions ng Pangulo.

Ayon sa naging panayam ng True FM kay DOJ Prosecutor General Atty. Richard Anthony Fadullon nitong Lunes, Nobyembre 17, sinabi niyang wala pa raw natatanggap na isinampang kaso ang kagawaran nila laban kay Co. 

Bukod dito, hindi pa rin daw napapadalhan ng subpoena si Co upang dumalo sa mga imbestigasyon at pagdinig kaugnay sa maanomalyang flood-control projects. 

“I can’t speak [but] again, magsasalita ako para sa Department of Justice na as far as the Department of Justice is concern, wala pa pong kaso na naisasampa laban sa kaniya,” pagsisimula nila ni Fadullon. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Kung kaya’t siguro wala talagang subpoena na maipapadala pa,” pahabol pa niya. 

Ani Fadullion, hindi rin daw siya makakapagsalita tungkol sa kasong iniimbestigahan ngayon ng Office of the Ombudsman. 

“Pero hindi po ako makakapagsalita as far as the Office of the Ombudsman is concerned kasi mayroon din po silang sarili nilang mga imbestigasyon at mga kasong iniimbestigahan base sa mga kasong isinasampa ng ICI at base sa resulta ng kanilang mga sariling imbestigasyon,” aniya. 

Ipinaliwanag din ni Fadullon na hindi pa raw opisyal na kaso ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) kay Co noon pang Setyembre 26, 2025. 

“Halimbawa po, nagkaroon ng imbestigasyon ang NBI at sila po ay nagsasampa [ng kaso] sa [DOJ], hindi po agad-agad ‘yan subjective na sa preliminary investigation,” saad ni Fadullon. 

Paglilinaw pa ng abogado, “Ito po ay dumaan muna sa masusing evaluation para malaman kung ang ebidensyang nakasaad doon sa kaso ay sapat na para ito po ay umakyat sa isang preliminary investigation. Kapag kulang po ito, mayroon pong kapangyarihan ang kagawaran na ibalik ito sa NBI.” 

Ayon kay Fadullon, dadaan daw muna sa referral process bago maging ganap na kaso ang kasong isinampa laban sa isang indibidwal. 

“Maaari pong may ganoong naisampa (na-evaluate) pero technically, it is not a case yet. Ito po’y parang referral pa lang pero subjective evaluation,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang tahasang nagsalita si Co na nag-utos diumano si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na mag-insert ng ₱100 bilyon sa 2025 national budget.

MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

“Nagsimula ito no'ng tumawag si [DBM] Sec. Amenah Pangandaman sa akin no'ng nag-umpisa ang bicam process last year 2024. Ang sabi niya katatapos lang ng meeting nila ni Pangulo at may instructions na mag-insert o magpasok ng ₱100-billion worth of projects sa bicam," saad ni Co sa isang video statement na inilabas niya noong Biyernes, Nobyembre 14, 2025. 

“Sinabi pa ni Sec. Amenah, you can confirm with Usec. Adrian Bersamin dahil magkasama sila ni Pangulong BBM noong araw na 'yon. Tinawagan ko po agad si Usec. Adrian Bersamin at tinanong ko kung may instruction nga ba ang pangulo na magpasok ng ₱100 billion during their meeting. Ang sabi niya ay totoo nga po,’ dagdag pa niya. 

MAKI-BALITA: Ombudsman, pinapauwi si Zaldy Co; handang magbigay ng proteksyon

MAKI-BALITA: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Mc Vincent Mirabuna/Balita