May nilinaw si Department of Finance (DOF) Sec. Ralph Recto hinggil sa umuugong na siya raw ang papalit sa posisyon ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Sa panayam ng media kay Recto nitong Lunes, Nobyembre 17, 2025, iginiit niyang nananatili pa rin siyang kalihim ng DOF at wala pa umano siyang naririnig hinggil sa mangyayaring pagbabago sa kanilang posisyon.
“There's no offer, there's nothing to accept. I remain as DOF. I'm here as secretary of DOF,” ani Recto.
Samantala, sa hiwalay na pahayag, isang maiksing komento lamang ang iniwan ni Bersamin hinggil sa umuugong na pagsibak sa kaniya mula sa posisyon.
“Let us wait for the official announcement,” ani Bersamin.
Matatandaang nauna na ring nilinaw ni Bersamin na wala umanong katotohanan na nagbabalak siyang umalis sa kaniyang posisyon at wala pa raw inilalabas na pahayag ang Palasyo hinggil sa pagbabago ng mga liderato sa ilalim ng administrasyon.