January 08, 2026

Home BALITA

Simbahan sa Cebu na 161 taon nang nakatayo pero napinsala sa lindol, 'di na maaayos

Simbahan sa Cebu na 161 taon nang nakatayo pero napinsala sa lindol, 'di na maaayos
Photo courtesy: contributed photo

Hindi na maaaring maisaayos pa ang nasirang mga bahagi ng San Juan Nepomuceno Parish sa San Remigio, Cebu na isa sa mga nasirang gusali bunsod ng pagtama ng magnitude 6.9 na lindol noong Setyembre 30, 2025.

Ayon sa opisyal na pahayag ng Parokya, mismong ang mga heritage specialists at engineers na raw ang nagsabing na kayang makumpuni ang naturang mga simbahan.

"After careful study, thorough inspections, and prayerful deliberation with heritage specialists, engineers, and our Parish officials, it has been concluded that repairing the church is no longer viable," anang Parokya.

Bunsod nito, nagdesisyon ang simbahan na lisanin na ang naturang gusali.

Politics

Walang basehan!' Solon, itinangging may parte sa 2026 nat'l budget ang impeachment para kay VP Sara

Anila, "This decision was not made lightly. We understand the deep emotional bond our community shares with this sacred edifice. Every stone, every pew, every echo of prayer within its walls carries the stories and sacrifices of the San Remigiohanon faithful."

Noong 17th century pa naitayo ang San Juan Nepomuceno Parish para sa isang paring martyr na na kinikilalang Patron Saint of Confessors.