December 12, 2025

Home BALITA National

Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM

Sen. Imee Marcos, nilantad sa INC rally na ‘gumagamit’ diumano ng droga si PBBM
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Isiniwalat ni Sen. Imee Marcos sa malawakang kilos-protesta ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) na diumano’y gumagamit ng droga ang kaniyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. 

Ayon sa naging talumpati ni Sen. Marcos sa nasabing rally ng INC nitong Lunes, Nobyembre 17, tahasan niyang inilantad sa publiko ang diumano’y kontrobersyal na adiksyon ng Pangulo. 

“Batid ko na nagda-drugs siya,” walang pag-aalinlangang pahayag ng Senador. 

Ani Sen. Marcos, may pagkakataon daw na sila pa ang naglilinis ng mga kalat nina PBBM matapos ang isinagawa nilang party. 

National

Palasyo, itinangging pang-optics, propaganda lang ang Anti-Dynasty bill

“Malaman ko at nalaman ng pamilya, seryoso ito. Minsan, kami ng presidential guard… ang naglilinis tuwing nagpa-party po sila,” ayon sa nakatatandang kapatid ng Pangulo. 

Pagpapatuloy pa ni Sen. Marcos, kinumbinsi pa raw niya noon si PBBM na pakasalan na si First Lady Liza Araneta-Marcos ngunit tila raw nagkamali pa siya.

“Namuhay kaming magkakapatid sa ibang bansa. Kami-kami lang. Kinumbinsi ko pa si Bongbong, pakasalan mo na si Liza,” ‘ika niya. 

Anang Senador, natuklasan diumano niya na mas lumala ang paggamit ng droga ni PBBM nang maging mag-asawa sila ng First Lady. 

“Naisip ko noon, kapag nag-asawa siya, malalagay na sa tahimik at magkakaroon ng direksyon. Ang laki ng pagkakamali ko. Mas lumala ang kaniyang pagkalulong sa droga dahil parehas pala silang mag-asawa,” tahasan niyang pagkukuwento. 

Samantala, sinagot naman ito ni Palace Press Officer and Communications Undersecretary Claire Castro nito ring Lunes at sinabi niyang “desperadong galawan” naturang pagbubuking ni Sen. Marcos sa kapatid niyang Pangulo. 

“Ano ang dahilan ng desperadong galawan ni Senator Imee Marcos laban sa sarili niyang kapatid at pati kay First Lady kundi makapanira lamang,” ani Castro. 

MAKI-BALITA: Castro sa akusasyon ni Sen. Imee na 'drug addict' umano si PBBM: 'Desperadong galawan'

KAUGNAY NA MGA BALITA:
MAKI-BALITA: INC members, pinabulaanang binayaran sila ng ₱3,000 para dumalo sa protesta

MAKI-BALITA: #BalitaExclusives: INC members umaasang maaayos ang gulo, mapapanagot may-sala

Mc Vincent Mirabuna/Balita