December 14, 2025

Home BALITA National

PNP, naka-monitor sa mga nagpapakalat ng fake news kasabay ng INC rally

PNP, naka-monitor sa mga nagpapakalat ng fake news kasabay ng INC rally
Photo courtesy: via PNP/FB

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) ang pagpatrolya rin ng kanilang tropa sa cyberspace, bunsod ng mga nagpapakalat umano ng fake news, kasabay sa kilos-protesta ng Iglesia Ni Cristo (INC).

Ayon kay PNP Acting Chief Melencio Nartatez Jr., mino-monitor nila ang mga nanamantala sa mga malawakang demonstrasyon.

"The presence of your PNP will not only in the assembly areas and on the roads, but also on cyberspace in order to run after those who would dare to take advantage of this situation to mislead the public through fake news and fabricated claims," saad ni Nartatez.

Giit pa ni Nartatez, bagama't nirerepesto raw nila ang kalayaan sa pamamahayag, hindi raw kasama rito ang pagpapakalat ng mga mali at malisyosong impormasyon.

National

'Hoy DTI, gising kayo!' Sen. Imee, naghain ng makatotohanang Noche Buena

Aniya, "We respect the freedom of speech and the freedom to air grievances but these does not include false claims and fake contents."

Dagdag pa niya, "May nakita po kaming ilang posts na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa alleged crowd build-up. Our ground units have verified repeatedly that there is no such situation."

KAUGNAY NA BALITA: ‘These posts are false!’ PNP, pinabulaanang may raliyista na sa Mendiola ngayong Sabado

Kasalukuyan na rin daw inaalam ng pulisya kung saan nagmumula ang mga pekeng social media post kasabay ng mga ikinakasang demonstrasyon.