December 22, 2025

Home BALITA National

Pagsampa ng kaso sa mga lokal na opisyal na umeskapo noong bagyong Tino, Uwan, iraratsada na!—DILG Sec. Remulla

Pagsampa ng kaso sa mga lokal na opisyal na umeskapo noong bagyong Tino, Uwan, iraratsada na!—DILG Sec. Remulla

Inanunsyo ni Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Jonvic Remulla na malapit na raw nilang masampahan ng kaso sa Ombudsman ang ilang mga lokal na opisyal na umalis ng bansa sa kasagsagan ng banta at pananalasa noon ng bagyong Tino at Uwan.

Sa panayam ng media kay Remulla nitong Lunes, Nobyembre 17 2025, ibinahagi niya ang tatlong mga kasong maaaring kaharapin ng tinatayang 24 lokal na mga opisyal.

“Abandonment of duty, gross neglect, insubordination kasi may order na kami na huwag umalis, umalis pa rin eh. So titingnan namin ‘yan,” ani Remulla.

Paglilinaw pa ni Remulla kabilang din umano sa mga kakasuhan ay ang ilang lokal na opisyal sa Cebu na umalis ng bansa bago ang pananalasa ng bagyong Tino.

National

'Anytime now!' Atong Ang, posibleng masilbihan na ng arrest warrant—SILG Remulla

“Oo lahat sila. The nice thing about being a secretary is hindi ka political eh. So kung sino ang kailangang parusahan, paparusahan natin,” anang kalihim.

Matatandaang noong Nobyembre 12 nang unang ihayag ni Remulla ang posibilidad na kasuhan ang mga opisyal na umeskapo pa rin palabas ng bansa, sa kabila ng kanilang kautusan na manatili sila sa kani-kanilang nasasakupan bunsod ng pagtama ng nasabing mga bagyong nagdaan.

KAUGNAY NA BALITA: 'Puwedeng kasuhan?' Nasa 24 opisyal umalis ng bansa, dinedma travel ban

Giit pa ng DILG sa naturang kautusan nila noon, na sa ilalim umano ng Local Government Code of 1991 at Republic Act No. 10121, sila ang chairperson ng kani-kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils (LDRRMCs) at kinakailangan ding pisikal na pinangungunahan ang pagtugon sa pagtama ng mga kalamidad.

KAUGNAY NA BALITA: Paglabas sa bansa ng mga lokal na opisyal, ipinagbawal ng DILG para sa bagyong Uwan