December 13, 2025

Home BALITA

‘Nilaglag ka na ni Zaldy Co, bye-bye ka na!' banat ni Rep. Barzaga kay PBBM

‘Nilaglag ka na ni Zaldy Co, bye-bye ka na!' banat ni Rep. Barzaga kay PBBM
Photo courtesy: Kiko Barzaga/FB, file photo

Muling nagbigay ng mensahe si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at sa kasong isinampa sa kaniya ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa pagdalo ni Barzaga sa ikalawang araw ng kilos-protesta sa EDSA People Power Monument, natanong ng media si Barzaga hinggil sa kaniyang mensahe para kay PBBM.

“Marcos, reisgn. Nilaglag ka na ni Zaldy Co kaya bye-bye ka na. Bago pa lumala yung sitwasyon natin sa Pilipinas,” ani Barzaga.

May banat din siya hinggil naman sa mga reklamong sedisyon at rebelyon na kinahaharap niya.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“Lahat naman ng kalaban ni Marcos kinakasuhan n'ya eh. 'Yon din naman nangyari noong panahon ng tatay n'ya. Lahat ng political enemies kinakasuhan, pinapakulong, anang mambabatas.

Dagdag pa niya, “We will keep fighting until the end of the line..we'll keep fighting Marcos as long as he is corrupt.”

Matatandaang noong Nobyembre 14 nang basagin ni dating AKo Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang kaniyang pananahimik sa idinidiin sa kaniyang mga alegasyon sa maanomalyang flood control projects kung saan tahasan niyang pinangalanan sina PBBM at dating House Speaker Martin Romualdez na pawang mga kasabwat umano niya.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi

Bago nito, noong Nobyembre 12 naman nang ibahagi ni Bazaga ang kopya ng subpoena kung saan nakasaad ang nasabing mga reklamo laban sa kaniya.

KAUGNAY NA BALITA: 'This will not stop us!' Rep. Barzaga, sinupalpal ng reklamong sedisyon, rebelyon