December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Minura na, babarilin pa si Kim Chiu! Star Magic rumesbak, nagbanta ng kaso sa basher

Minura na, babarilin pa si Kim Chiu! Star Magic rumesbak, nagbanta ng kaso sa basher
Photo courtesy: Kim Chiu, Star Magic (FB)

Ipinagtanggol ng ABS-CBN talent arm management na "Star Magic" ang isa sa kanilang artist na si Kapamilya star at "It's Showtime" host Kim Chiu matapos makatanggap ng pagbabanta mula sa isang basher.

Ibinahagi ng Star Magic ang screenshot ng naging komento ng basher na minura si Kim at kinukuha ang address nito para barilin.

Mababasa sa komento ng basher, "Give me an address pussy."

"You want to die like the flooding happening PUTANG INA Mu give me your address para mabaril kita."

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Hindi naman matukoy ang dahilan kung bakit galit na galit ang nabanggit na basher kay Kimmy at kung ano ang atraso ng actress-TV host sa kaniya.

Hindi naman pinalagpas ng Star Magic ang mga ganitong klaseng pagbabanta kay Kim, at sinabing puwede nilang kasuhan ang nabanggit na basher, kung kinakailangan.

"Star Magic does not tolerate threats, derogatory remarks, and other personal attacks made online against our artists. These acts have serious and damaging consequences and we will take legal action, if necessary."

Matatandaang may history na kasi si Kim na basta na lamang pinagbabaril ang sasakyan niyang van noong 2020 habang patungo siya sa taping.

Mabuti na lamang at hindi siya nasaktan o maging ang personal assistant at driver niya sa nabanggit na insidente.