Proud na ibinida ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera-Dantes ang mga litrato ng pagtatanghal ng panganay na si Zia Dantes sa “That’s Amore: A Night at the Movies” show noong Linggo, Nobyembre 16.
Sa Instagram post ni Marian, ipinakita ang pagningning ni Zia mula sa backstage hanggang sa paghawak ng mikropono sa entablado, at ilang touching moments kasama ang ama na si Dingdong Dantes at nakababatang kapatid na si Sixto Dantes.
“As your Mama, nothing makes my heart fuller than watching you shine in something you love,” saad ni Marian sa kaniyang post para sa anak.
Kinilala rin niya na bukod sa passion ni Zia sa pag-awit, kahanga-hanga rin ang pagbuhos niya ng pagmamahal sa lahat ng ginagawa niya.
“I will always be proud of you, not just because you sing beautifully, but because you give your whole heart to everything you do. Keep inspiring others with your courage and your kindness,” pagkilala pa ng aktres sa panganay niya.
“Mama, Dada & Sixto are forever proud of you — and we will be right beside you in every stage of your journey,” dagdag pa niya.
Matatandaang unang ipinamalas ni Zia ang kaniyang talento sa pag-awit noong Disyembre 2024, “Be Our Guest” concert kung saan kinanta niya ang awiting “Rise Up.”
“Firsts are always special, especially with Daddy, Mommy, and Sixto in the front row—eyes wide, ears tuned, and hearts full. Witnessing it live is pure magic,” proud na pagbati ni Marian kay Zia.
Sean Antonio/BALITA