Tinuldukan na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang dapat sanang tatlong araw na “Rally for Transparency and a Better Democracy" sa Quirino Grandstand nitong Martes, Nobyembre 17.
Ayon kay INC spokesperson Edwil Zabala, napagpasyahan nilang tapusin ang rally dahil pagod na ang mga nagsidalo.
“It did not need three days to achieve the goal of sending the message that we are calling for justice, accountability, transparency, and peace,” saad pa ni Zabala.
Umaasa naman ang ilang miyembro ng Iglesia na matapos ito ay maaayos ang gulo sa gobyerno at mapapanagot ang mga sangkot sa talamak na korupsiyon.
Maki-Balita: #BalitaExclusives: INC members umaasang maaayos ang gulo, mapapanagot may-sala