Isang pangako ang iniwan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque para kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Sa ibinahaging video ni Roque sa kaniyang Facebook page nitong Lunes, Nobyembre 17, 2025, iginiit niyang ipaglalaban daw niya na mabigyan ng immunity si Co kung sakaling mapunta kay Vice President Sara Duterte ang susunod na administrasyon.
“Ako mismo nangangako, na sa susunod na administrasyon ni Sara Duterte, ako po ay ipaglalaban ko na mabigyan ka ng immunity kapalit ng pag-surrender ng kayamanang nakuha mo sa panahon ni Marcos at kapalit ng iyong testimonya,” ani Roque.
Matatandaang minsan na ring nagbigay ng payo si Roque kay Co hinggil naman sa pakikipag-ayos nito sa anak na si Elis Co, na naglabas noon ng pahayag laban sa kaniyang ama.
“Kapag binalik mo yung mga perang ninakaw mo, baka maayos mo pa yung relasyon mo sa iyong mga anak na kinasusuklaman ka na dahil nga sa pagdududa na ikaw ay naging korap,” ani Roque.
Hirit pa niya, “So ayusin mo na rin yung relasyon mo sa mga anak mo sa pamamagitan ng pagbalik ng mga perang ninakaw.”
KAUGNAY NA BALITA: 'Para magkaayos sa mga anak: Roque pinayuhan si Zaldy Co na magbalik ng mga umano’y ninakaw
Kamakailan lang nang basagin ni Co ang kaniyang pananahimik hinggil sa kinahaharap na isyu sa flood control scandal kung saan tahasan niyang idinawit ang pangalan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at dating House Speaker Martin Romualdez.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez
Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez
Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget
Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi