January 06, 2026

Home BALITA National

INC members, pinabulaanang binayaran sila ng ₱3,000 para dumalo sa protesta

INC members, pinabulaanang binayaran sila ng ₱3,000 para dumalo sa protesta
MDDRMO

Pinabulaanan ng ilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo (INC) na binayaran umano sila ng ₱3,000 para magpunta sa "Rally for Transparency and a Better Democracy" sa Quirino Grandstand sa Maynila noong Linggo, Noyembre 16, 2025.

Sa isang video na inilabas ng INC News and Updates, broadcast media ng INC, itinanggi ng ilang miyembro ng naturang religious group na binayaran sila ng ₱3,000 para magpunta sa rally.

Matapos ito ng mga nagkalat na impormasyon sa social media na may diumano'y naganap na "bayaran." 

Narito ang sagot ng mga INC members: 

National

'Flood control projects budget sa 2026, mas 'specific' sa foreign assisted projects!'—DBM Sec. Toledo

"Wala po. Wala pong bayad sa amin dito."

"Kami ang nagkusang pumunta rito."

"Wala pong bayad. Kusang loob at masaya kami at nakikipagkaisa po sa gawaing ito po."

"Ay hindi po 'yon totoo."

"Wala pong katotohanan 'yan. Hindi po kami nagpapabayad."

"Ang dami pong kapatid ng Iglesia Ni Cristo na nandito po ngayon tapos ₱3,000 per head? Nagpapatawa po kayo. Sabi nga ng ibang kapatid dito, baka kami pa magbigay sa inyo ng ₱3,000."

"Sabihin na lang natin na isa rin ako sa mga nagbabayad ng buwis. Kaya medyo galit at saka nalulungkot. Nandito ko, dinala ako ng damdamin ko bilang isang Pilipino."

Ang naturang rally ay magtatagal hanggang Martes, Nobyembre 18. Layunin nitong isulong ang accountability at pananagutan sa mga usaping panlipunan.

Maki-Balita: #BalitaExclusives: INC members umaasang maaayos ang gulo, mapapanagot may-sala

Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Philippine National Police (PNP), "generally peaceful" ang unang araw ng protesta ng INC. 

Inirerekomendang balita