December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'I didn't cheat, never' sey ni Derek; react ni Ellen, 'Push mo 'yan, ako pa ginawang liar!'

'I didn't cheat, never' sey ni Derek; react ni Ellen, 'Push mo 'yan, ako pa ginawang liar!'
Photo courtesy: Derek Ramsay, Ellen Adarna (IG)

Nagbigay ng reaksiyon ang aktres at model na si Ellen Adarna sa naging reaksiyon ng kaniyang mister na si Derek Ramsay hinggil sa mga pasabog na screenshots na ibinahagi niya sa social media.

Mababasa sa Instagram story ni Ellen ang screenshot naman ng naging tugon ni Derek nang untagin ng isang netizen, na hindi tinukoy ni Ellen kung ano ang kaugnayan sa kanilang dalawa.

"I didn't cheat. Never!!!" sagot ni Derek nang tanungin ng netizen kung anong nangyayari sa kanila ni Ellen, batay sa mababasang conversation.

Bukod dito, tila nireveal pa ni Derek na anim ba buwan na raw silang hiwalay ni Ellen.

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Mababasa, "Ellen and i have been separated 6 months."

Ibinahagi naman ito ni Ellen at saka kinomentuhan, "Push mo yan. There's your side. There's my side. And there's SCREENSHOTS WITH TIME AND DATES. Ako pa ung ginawang liar."

Photo courtesy: Screenshot from Ellen Adarna/IG

PASABOG NI ELLEN

Naglabas ng mga screenshot si Ellen laban kay Derek hinggil sa umano'y "cheating" nito sa kaniya noon pang 2021.

Ayon kay Ellen, naganap ang nabanggit na umano'y cheating incident siyam na araw matapos ang pagiging opisyal nilang mag-jowa noong Pebrero 4, 2021.

Tila na-trigger si Ellen na isiwalat ang tungkol sa mga resibo nang magbahagi si Derek ng isang post tungkol sa marriage, sa pamamagitan ng Instagram story.

Matatandaang naging usap-usapan ang tsikang tila hiwalay na ang dalawa matapos ang intrigang inunfollow umano ni Ellen sa Instagram account ang mister, at inalis pa niya ang apelyido nito.

Bukod dito, hinanap din ng mga netizen ang aktor sa birthday celebration ng kanilang anak.

Sagot naman ni Ellen, pinadalhan daw ng imbitasyon si Derek pero hindi raw siya nagpunta.

At nitong Lunes, Nobyembre 17, naglabas ng serye ng Instagram stories si Ellen na nagpapatunay raw sa umano'y infidelity ni Derek sa kaniya, noon pa mang bago pa lang ang relasyon nila.

“The audacity. Wow. The audacity era. Wow, sad boi era. Wow. Victim. Wow. Sympathy fishing. #manchild," mababasa sa text caption ng isa sa mga Instagram story ni Ellen.

Batay sa mga sunod-sunod na screenshots na pinakawalan ni Ellen, mahihinuhang may ibang babae o "side chick" na kausap si Derek kahit na naging opisyal na silang magkasintahan noong Pebrero 9, 2021.

“Nanahimik ka nalang sana. Because I’ve got receipts. This is just the beginning," ani Ellen sa isa niyang Instagram story.

Ayon pa kay Ellen, marami pa raw siyang resibo subalit ilalabas lamang niya sa right time at proper forum.

Nalaman lamang daw ni Ellen ang tungkol sa screenshots, tatlong linggo na ang nakalilipas, ngayong buwan ng Nobyembre. Isang kaibigan daw ang nagsabi sa kaniya.

Hindi raw ire-reveal ni Ellen kung sino ang umano'y side chick ni Derek batay na rin sa payo sa kaniya ng mga abogado niya. Pero nilinaw ni Ellen na hindi ito isa sa ex-girlfriends ng mister, kundi isa sa mga malapit na kaibigan nito.

"As much as I want to reveal who this girl is, my lawyers advised me not to. I can get in trouble. But to clarify she is not an ex-girlfriend; she is, I think a side chick. I know this girl has always been there, they've been friends for decades, she's always been there," ani Ellen sa isa sa mga video na ibinahagi niya sa Instagram story.

Kaugnay na Balita: 'Nanahimik ka na lang sana!' Ellen, nagpasabog ng mga resibo sa umano'y cheating ni Derek

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o opisyal na pahayag si Derek tungkol sa isyu. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.