December 13, 2025

Home BALITA Politics

'Hindi naman kami pinaalis!’ Maisug, pinabulaanang tinaboy sila sa INC rally

'Hindi naman kami pinaalis!’ Maisug, pinabulaanang tinaboy sila sa INC rally
Photo Courtesy: Vic Rodriguez (FB), Ralph Mendoza/BALITA

Nilinaw ni Hakbang ng Maisug-NCR Convenor Ed Francisco na hindi sila pinaalis sa ikinasang “Rally for Transparency and a Better Democracy" ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Maynila.

Sumulpot kasi ang kaliwa’t kanang ulat na itinaboy umano ang nasabing grupo nang tangkain nilang lumahok sa rally ng INC noong Linggo, Nobyembre 16, dahil sa panawagan nilang pagbitiwin sa puwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Kaya sa ulat ng “Morning Matters” nitong Lunes, Nobyembre 17, sinabi ni Francisco sa panayam na mas pinili na lang nilang umalis dahil ayaw nilang ipagwagwagan ang mga placard at banner nilang hindi tugma sa regulasyon ng Iglesia.

“Hindi naman kami pinaalis do’n. Ayaw lang namin na maglitaw kami ng mga placards, mga banner na hindi naayon sa regulasyon ng Iglesia. Hindi namin dapat gawin ‘yon. Kaya kami, lumihis na lang kami,” ani Francisco. 

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

Matatandaang ang pagkilos ng Iglesia ay nakatuntong sa panawagang isulong ang transparency at accountability sa gobyerno.

Maki-Balita: Atty. Falcis sa ikakasang kilos-protesta ng INC: ‘Uy confirmed si tweety bird, November 15-18 ang Peace Rally’

Kaya naman sa Liwasang Bonifacio na lang isinagawa ng Maisug ang kanilang pagkilos upang ihayag ang panawagan ng grupo.

Samantala, bukod sa dalawang magkahiwalay na protestang binanggit sa lungsod ng Maynila, nagsagawa rin ang iba pang grupo—kabilang na ang mga retiradong sundalo—ng sariling pagkilos kontra korupsiyon sa EDSA People Power Monument.