December 13, 2025

Home BALITA National

Co, Revilla, Estrada, Escudero atbp., may aginaldong warrant of arrest bago magpasko—Ombudsman

Co, Revilla, Estrada, Escudero atbp., may aginaldong warrant of arrest bago magpasko—Ombudsman
Photo courtesy: MB FILE PHOTO

Sigurado umanong mabibigyan ng warrant of arrest ang ilang dating senador at mga senador ngayon, si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, at isang negosyante bago pa man sumapit ang Pasko ayon kay Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla. 

Ayon sa naging panayam ng beteranong political journalist na si Christian Esguerra kay Remulla noong Linggo, Nobyembre 16, inisa-isa ng Ombudsman ang mga nasabing pangalan na mabibigyan nila ng warrant of arrest. 

“Napirmahan na ni Usec. [Roberto] Bernardo ‘yong kaniyang affidavit kaya ‘yong mga nabanggit doon,” pagsisimula ni Remulla, “Bong Revilla, Nancy Binay, Joel Villanueva (sa affidavit ni Henry Alcantara), Jinggoy Estrada, ‘yon ang mga binanggit talaga. Si Sonny Angara [ay] bagong pasok lang, iimbestigahan pa namin.”

“Saka si Grace Poe, iimbestigahan din natin,” pahabol pa niya. 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ani Remulla, wala raw silang aatrasan sa mga nabanggit na indibidwal kahit na ang karamiha’y naging kaibigan niya. 

“Wala tayong aatrasan diyan kasi ang kinakailangan dito, h’wag ka nang mamili. Kung sinong dalhin ng ebidensya, ilatag natin sa harap ng husgado. ‘Yon lang ‘yon,” aniya. 

“Mga kaibigan ko ‘yan, hindi iba sa akin ‘yang mga ‘yan. Nakasama ko ‘yang mga ‘yan one time or another sa buhay ko pero sa akin, trabaho ko ito e. Hiningi ko itong trabahong ito kaya gagawin ko ang trabaho ko,” pagdidiin pa ni Remulla. 

Ayon sa Ombudsman, mayroon na rin daw kaso laban kay Co at tiyak na mabibigyan din daw ito ng warrant of arrest sa darating na Disyembre kasama ng iba pang mga nabanggit. 

“Zaldy Co, mayroon na itong kaso. Tingin ko magkaka-warrant na ‘yan by December 15 baka may warrant na ‘yang mga ‘yan, December 16 kapag tama ang calendar namin,” pagtitiyak niya. 

Paalala ni Remulla, huwag na raw magtago ang mga nasabing indibidwal sa panahon na magpadala sila ng warrant of arrest. 

Sa katunayan daw, binabantayan na umano nila ang mga nabanggit niyang indibidwal ngayon pa lang. 

“Huwag na silang magtatago pero binabantayan na namin ngayon. We are watching them already,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, ayon pa kay Remulla, kasama rin daw sa mabibigyan nila ng warrant of arrest sina dating Senate President Chiz Escudero at negosyanteng si Maynard Ngu. 

MAKI-BALITA: 'Kung seryoso ka talaga!' Zaldy Co, hinamon si Ombudsman Remulla, idamay si ex-HS Romualdez

MAKI-BALITA: Ombudsman kay Co: Kung layunin ay hustisya, idaan sa tamang proseso hindi sa ingay

MAKI-BALITA: Ombudsman, pinapauwi si Zaldy Co; handang magbigay ng proteksyon

Mc Vincent Mirabuna/Balita