Aminado si Kapamilya host Bianca Gonzalez na hindi laging madali ang pagsasalita sa mga isyu panlipunan.
Sa latest episode kasi ng “KC After Hours” noong Linggo, Nobyembre 16, nausisa si Bianca kung paano siya nakakapanatili sa trabaho sa kabila ng pinaninindigan niyang paniniwala.
Ani Bianca, “I think I am the way I am because when I started sharing hindi pa uso ang social media. So parang feeling ko, in terms of like projects or brand that would want towork with me, alam nilang gano’n ako dati pa.”
“And being willing to be open to the bashing was a huge part of it,” pagpapatuloy niya. “Kasi you can not be game for the bashing if you decide to speak up, e. Which is hard, not easy at all. 2022 was the rurok.”
Dagdag pa ng Kapamilya TV host, “I think, I still have trauma from 2022. But, again, I go back to what good is this platform or voice if I just use it for myself?”
Matatandaang isa si Bianca sa mga celebrity na bumuboses sa talamak na korupisyon sa gobyerno, partikular sa isyu ng maanomalyang flood control projects.
Kabilang din siya sa mga lumahok sa malawakang kilos-protesta noong Setyembre 21 kasama ang kaniyang mga anak.
Kaugnay na Balita: Pagboses sa mga isyu, responsibilidad ng mga artista sey ni Bianca Gonzalez