Usap-usapan ngayon pag-amin ng aktres na si AJ Raval na may anak na sila ng karelasyong si Aljur Abrenica, sa naging guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda.
"Actually Tito Boy, lima na po. I have 5 kids,” pag-iespluk ni AJ kay Tito Boy noong Miyerkules, Nobyembre 12, 2025.
MAKI-BALITA: Dalawa sa iba, tatlo kay Aljur: AJ Raval, umaming nakalimang anak na!
Nang ipaliwanag, sinabi ni AJ na may nauna na siyang dalawang anak sa dating karelasyong hindi pinangalanan.
Ang panganay raw niya na pitong taong gulang na ay isang babae, na ang pangalan ay Ariana.
Ang pangalawa naman ay si Aaron subalit "angel" na raw ito matapos pumanaw.
Hindi naman tinukoy ni AJ kung sino ang ama ng nauna niyang mga anak.
Kay Aljur naman, may tatlo na siyang anak na sina Aikina na panganay nila, sumunod ay si Junior, at ang bunso naman ay si Abraham.
Ngunit bago ang lahat ng kontrobersyal na usaping ito tungkol kay AJ, ano nga ba ang mga pelikula niyang pumatok sa takilya at nakapagpatindig sa balahibo ng kalalakihan noon?
1. PAGLAKI KO, GUSTO KONG MAGING PORNSTAR (2021)
Unang pumatok ang pangalan ni AJ sa comedy film na “Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar” ni Darryl Yap noong 2021, kung saan nakasama niya rito ang mga batikang sexy stars na sina Ara Mina, Rosanna Roces, Alma Moreno, Maui Taylor, at iba pa.
Tungkol ang nasabing pelikula sa mga beteranong porn star na pinagbidahan nina Ara Mina, Osang, Alma, at Maui upang magsagawa ng isang workshop para sa susunod nilang henerasyon. Isa sa mga nagtulak sa mga nasabing karakter ang tiglilimang (5) milyong piso na nakatakda nilang matanggap sakali mang may mahubog silang susunod na porn icon star.
Ginanapan naman ni AJ sa pelikulang ito ang karakter ni Twinkle.
Ilan sa mga hot scenes na tumatak sa mga manonood ang mga pabakat ng ilang bahagi ng katawan ng aktres at ang pagtuturo ng mga nasabing beteranong pornstar sa kuwento sa pag-ungol ni Twinkle.
2. DEATH OF A GIRLFRIEND (2021)
Kasunod ay ang “Death of a Girlfriend” ni Yam Laranas noong 2021. Gumanap si AJ bilang si Christine sa nasabing pelikula.
Nakasama niya rito ang mga aktor na sina Diego Loyzaga bilang si Alonzo at Arnold Reyes sa karakter na ginampanan niya bilang Forest Ranger.
Umikot ang kuwento ng nasabing pelikula sa pagkamatay ni Christine (si AJ) at ang iba’t ibang perspektibo nina Alonzo (si Diego), ng Forest Ranger (si Arnold) sa brutal na krimeng sinapit ni Christine.
3. TAYA (2023)
Sumunod dito ang “Taya” nina John Carlo Pacalaat Roman Perez Jr., noon ding 2021.
Gumanap si AJ sa Taya bilang si Nanette kasama ang mga aktor na sina Sean De Guzman bilang si Sixto, Jela Cuenca bilang si Winona, Angeli Khang bilang si Nieves, at Pio Balbuena bilang si Lepot.
Umikot ang nasabing pelikula tungkol sa estudyante si Sixto na nahaharap sa problema niya sa thesis. Dito papasok si Lepot (si Pio) na nagpapatakbo o gumagawa ng tinatawag nilang “online bending.” Pagtaya sa mga laro at inaasahang manalo ng malaking halaga ng pera.
Bukod doon, natuklasan ni Sixto na maaari rin siyang tumaya sa mga babae online kung nandoon sina Nanette (si AJ), Winona (si Jela), at si Nieves (si Angeli).
Busog na busog ang mga manonood noon sa mga nakakapalunok-lalamunan na eksena ng nasabing pelikula. Halimbawa ng mga kahindik-hindik at nagpapawis na pakikipagbuno sa kama ni Sixto kina Nanette, Winona, at Nieves.
Sa huli, nalagay sa alanganin ang buhay ni Sixto dahil lumabas na illegal ang nasabing gawaing ipinakilala sa kaniya ni Lepot.
4. SHOOT SHOOT (2021)
Kasunod nito, bumida rin si AJ bilang si Anghelita sa pelikulang “Shoot Shoot” ni Rolf Mahilom noong 2021.
Nakasama niya rito, walang iba, ang “ultimate fuck boy” at rapper na si Andrew E bilang si Jack,
Sunshine Guimary bilang si Liwayway, Juliana Pariscova bilang Joker.
Ang pelikulang ito ay isang komedya tungkol sa karakter ni Jack (si Andrew E) na best friend si Anghelita (si AJ). Si Jack ay isang aspiring actor na nag-o-audition para maging ganap na artista. Aksidenteng kumalat ang tsismis tungkol kay Jack na pinamanahan ng bilyong halaga ng kaniyang ama. Dahil rito maraming mga babae ang humabol sa kaniya dahil sa biglaan niyang pagyaman.
Hindi mawawala diyan ang sexy scenes ng mga Viva Goddesses na sina AJ at Sunshine.
5. CRUSH KONG CURLY (2021)
Matapos ng Shoot Shoot, muling bumida si AJ sa pelikulang “Crush Kong Curly” nina Conn Escobar at GB Sampedro noon ding 2021.
Isa itong comedy film mula sa karakter na sina Elle (si AJ) at Peter na pinagganapan ng aktor na si Wilbert Ross.
Tungkol sa pelikula sa paggamit ni Elle bilang sandata sa kaniyang sexy image sa pag-stream online. Nakilala ni Elle si Peter na bagong lipat sa kanilang tinitirahan. Nahulog si Elle kay Peter ngunit hindi niya sinasabi ang kaniyang trabaho sa lalaki.
Nagpakita rin ng iba’t ibang intense na bed scenes ang nasabing pelikula mula sa mga karakter nina Elle at Peter.
6. HUGAS, KALIWAAN, SITIO DIABLO, SECURITY ACADEMY, US X HER (2022)
Matapos ang 2021, nagkaroon pa ng limang pelikula si AJ noong 2022 na “Hugas,” “Kaliwaan,” “Sitio Diablo,” “Security Academy,” at “Us x Her” na mga pawang pelikulang nagpakita ng drama, crime, thriller, action, at romance.
7. SUGAPA (2023)
Noong 2023, pinagbidahan ni AJ at aktor na si Aljur Abrenica ang pelikulang “Sugapa” nina John Paul Bedia at Lawrence Fajardo.
Tungkol ang pelikula sa mga karakter na sina Ana (si AJ) at Ben (sa pagganap ni Aljur). Magkasintahan na lumuwas sa siyudad mula sa probinsya upang tahakin ang kanilang pangarap sa pagtatayo ng pamilya.
Isa sa mga pangunahing suliranin na kanilang pinagdaanan ay ang pagpasok sa mga mundo ng prostitusyon, adiksyon, at pagkaganid sa pera. Sinubok ng mga nasabing suliraning ito ang pagmamahal at pagtitiwala nina Ana at Ben para sa pangarap nila bilang magkarelasyon.
Bukod pa sa mga nasabing pelikula, may ilan pa ring mga pelikula si AJ na siya ring tumatak at bumenta sa takilya.
Dahil sa mga ito at potensyal na ipinakita ng nasabing aktres, itinuring si AJ bilang A-lister ng Viva Film Entertainment at isa sa mga Goddesses sa nasabing industriya.
Ngunit sa kabila ng lahat ng mga ito, bago pa man maging aktres sa Viva Film si AJ at kinabaliwan ng maraming kalalakihan, tandaang nauna muna siyang maging “babae.”
May damdamin at puso. Pawang sining lamang ng pelikula ang ipinakita niya sa napanood ng karamihan at kailanman, hindi maaaring manghugsa ang mga manonood batay sa personal na buhay ng aktres at aktor na kagaya niya.
Ikaw, anong pelikula ni AJ ang tumatak at nakapagpatayo ng “B” (balahibo) mo?
MAKI-BALITA: Dalawa sa iba, tatlo kay Aljur: AJ Raval, umaming nakalimang anak na!
Mc Vincent Mirabuna/Balita