Tila buo ang pagsuporta ni Atty. Jimmy Bondoc sakali daw palitan ni Vice President Sara Duterte si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Ayon sa naging panayam ng One PH kay Bondoc noong Linggo, Nobyembre 16, nagbigay siya ng pahayag sa publiko sa umano’y kaniyang opinyon patungkol kay VP Sara.
“People will say pro-Sara ako, which is true,” pagbabali agad niya.
Ani Bondoc, bukod daw sa personal na pagsuporta niya sa Vice President, nasasaad din umano sa konstitusyon na si VP Sara ang nakatakdang pumalit kay PBBM kung magkatotoo man na maalis ito sa puwesto.
“Pero kasi, at this point, it’s not about the pro-Sara. It’s about changing an effective leadership and by the virtue of constitutional succession, si VP Sara talaga ang nakalaan,” pagdidiin ni Bondoc.
“Is it political? On my part, syempre, it’s a bit political but also it is constitutional na siya talaga ‘yong nakasunod sa linya. That’s the reason why there is a Vice President[...] Walang masama,” paliwanag pa niya.
Tila hinikayat pa ni Bondoc ang publiko na subukan lang daw ang pamamahala ni VP Sara sa nalalabing dalawa (2) at kalahating taon sa termino bago ang 2028 national election.
“Sa lahat po ng hindi nagtitiwala kay [VP] Sara, bakit hindi ninyo subukan? Kasi at least ito, three (3) years na lang ang natitira. Kapag hindi ninyo na nagustuhan, kapag kinalaban n’yo ‘yan sa eleksyon, matatalo siya kung hindi matuwa ang taumbayan sa serbisyo niya,” pangungumbinsi ni Bondoc.
“Pero kapag natuwa, pasensya kayo,” pagtatapos pa niya.
Kaugnay ito sa pakikiisa ni Bondoc sa kilos-protesta ng iba’t ibang mga grupo sa EDSA People Power Monument sa Quezon City para sa panawagan nilang “accountability, justice, and integrity” noong Linggo, Nobyembre 16, 2025.
MAKI-BALITA: #BalitaExclusives: INC members umaasang maaayos ang gulo, mapapanagot may-sala
Mc Vincent Mirabuna/Balita