Magtataas ulit ang presyo ng gasolina at diesel sa Martes, Nobyembre 18. Ito na ang ikatlong linggong pagtaas ng presyo ngayong Nobyembre.
Ngunit sa kabuuan, pitong linggo nang nagtataas ang presyo ng gasolina habang apat na linggo naman sa diesel.
Ayon sa mga oil company gaya ng Seaoil, Shell Pilipinas, Petro Gazz, at Clean Fuel, magkakaroon ng ₱1.20 kada litrong pagtaas sa gasolina at diesel.
Wala namang pagbabago sa presyo ng kerosene dahil sa State of Calamity Proclamation No. 1077.
Magsisimula ang taas-presyo ng oil companies sa Nobyembre 18 dakong 6:00 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magsisimula ng 4:01 ng hapon.