December 13, 2025

Home BALITA National

‘Sino dapat hulihin? Sen. Bato pinagkumpara ‘kasalanan’ nila ni FPRRD sa kasalanan nina ‘BBM-Martin’

‘Sino dapat hulihin? Sen. Bato pinagkumpara ‘kasalanan’ nila ni FPRRD sa kasalanan nina ‘BBM-Martin’
Photo courtesy: via MB, Bongbong Marcos/FB


Tahasang ikinumpara ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang umano’y kasalanan nila ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga Pilipino, at ang umano’y kasalanang ginawa nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at dating House Speaker (HS) Martin Romualdez.

Sa isang Facebook post na kaniyang ibinahagi nitong Linggo, Nobyembre 16, tila may tanong siya sa Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at Armed Forces of the Philippines (AFP) hinggil sa kung sino ang dapat na hulihin sa kanila.

“PRRD/Bato’s sin: Keeping your children & community safe from drugs & crime,” ani Sen. Bato sa post.

“BBM/Martin’s sin: Stealing your children’s future by pocketing billions of taxpayers money,” pagpapatuloy niya.

“PNP/NBI/AFP: Sino dapat hulihin?” saad pa ng senador.

Photo courtesy: Ronald Bato Dela Rosa/FB

Kaugnay ito sa pagbunyag kamakailan ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa umano’y budget insertions nina PBBM at dating HS Romualdez na umabot sa ₱100 bilyon.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Vincent Gutierrez/BALITA