Gustong makasama ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chair Greco Belgica si dating Vice President at Naga City Mayor Leni Robredo sa “Rally for Peace, Stability, and Transparency” na ginanap sa EDSA People Power Monument.
Ang nasabing protesta kontra korupsiyon ay gaganapin sa loob ng tatlong araw mula Nobyembre 16 hanggang Nobyembre 18.
Sa isang Facebook post nito ring Linggo, Nobyembre 16, sinabi ni Belgica na umaasa siyang makakarating ang imbitasyon nila kay Robredo para sumali sa nasabing pagkilos.
“I hope the invitation for Mayor Leni Robredo to join the Edsa Rally reaches her. Walang kulay at partido. Sama sama laban sa korapsyon,” saad ni Belgica.
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon o pahayag si Robredo hinggil sa nasabing paanyaya.
Samantala, kasabay ng pagkilos na ito ang “Rally for Transparency and a Better Democracy" na inorganisa naman ng Iglesia ni Cristo (INC).
Kaugnay na Balita: #BalitaExclusives: INC members umaasang maaayos ang gulo, mapapanagot may-sala